• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hindi muna mag-ama kapag nasa taping: ZOREN, balik są pagdi-direk para sa anak na si CASSY

BUMALIK sa pagdidirek sa TV si Zoren Legaspi para sa anak na si Cassy Legaspi.

 

 

 

Dinirek ng aktor ang rom-com episode ng Regal Studio Presents “Fishing for Love” kunsaan kasama ni Cassy ang Sparkada na si Michael Sager.

 

 

 

Naging direktor noon si Zoren sa ilang shows ng GMA tulad “Wag Kukurap”, “FantastiKids”, “Fantastic Man”, “Atlantika” at “Magpakailanman.”

 

 

 

Tawag nga raw ni Cassy sa kanyang Tatay Zoren sa set ay Direk: “Dito, bawal, ‘Pa, pa,’ bawal. Dapat, ‘Direk, may question po ako, direk.’”

 

 

 

Positive naman ang mga nasabi ni Zoren sa performance ni Michael.

 

 

 

“He’s okay kaya kung mapapanood nila dito, talagang matutuwa sila sa dalawa, promise ‘yan,” sey ni Zoren na direktor na rin ng talkshow na “Sarap, ‘Di Ba?”

 

 

 

***

 

 

 

PUMANAW sa edad na 88 sa Miami, Florida ang premyadong Hollywood actor na si Donald Sutherland.

 

 

 

Galing ang balita sa anak niyang si Kiefer Sutherland: “With a heavy heart, I tell you that my father, Donald Sutherland, has passed away. I personally think one of the most important actors in the history of film. Never daunted by a role, good, bad or ugly. He loved what he did and did what he loved, and one can never ask for more than that. A life well lived.”

 

 

 

Nakilala si Donald ng bagong henerasyon bilang si President Snow sa The Hunger Games film franchise. Ilan sa mga memorable performances niya ay mula sa mga pelikulang “Die! Die! My Darling!”, “The Dirty Dozen”, “Klute”, “Don’t Look Now”, “1900”, “Ordinary People”, “A Dry White Season”, “Six Degrees of Separation”, “A Time to Kill” and “Pride & Prejudice”.

 

 

 

Huli niyang nagawang TV series ay “Lawmen: Bass Reeves” in 2023.

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Usap-usapan ang pagdalo sa house blessing: ALDEN, seryoso at kumpirmadong nanliligaw na kay KATHRYN

    USAP-USAPAN na nga ngayon sa social media ang mga viral photos at videos nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na kilala rin bilang KathDen, na kuha sa naganap na house blessing ng Kapamilya actress.  Sa isang video ay makikitang masayang nagsasayaw si Kathryn habang nakatitig lang sa kanya si Alden. Naging abala rin si Alden […]

  • SHARON, looking forward to growing old with Sen. KIKO, pero ayaw niyang magmukhang matanda

    BIRTHDAY ni Senator Kiko Pangilinan yesterday at gusto naming i-share sa inyo ang IG greeting ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang loving husband.     “Happy, happy birthday to one of best fathers in the world, my Sutart, playmate, “neybor,” friend, no. 1 fan and supporter, partner, no.1 fan also of my cooking, my faithful, loving, […]

  • EJ Obiena excited ng maging flag bearer sa SEA Games

    LUBOS  ang kasabikan ni Filipino Pole Vaulter EJ Obiena sa pagiging flag bearer ng bansa sa pagsisimula ngayong araw ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Dumating ang 26-anyos na si Obiena isang araw bago ang formal opening ceremony na gaganapin sa My Dinh National Stadium.     Napili kasi ang world […]