• June 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mayor Guo sinalag ‘conspiracy’ sa POGO

NANINDIGAN si Bamban Tarlac Mayor Alice Guo na wala itong koneksyon sa anumang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) operations sa bansa kaya maling tawagin itong “conspirator” nang walang matibay na ebidensya.

 

 

Ang pahayag ay ginawa ni Mayor Guo bilang reaksyon sa kasong Anti-Trafficking in Persons na isinampa laban sa kanya sa Department of Justice (DOJ) ng Phi­lippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

 

 

Giit ni Mayor Guo, ang pagkakaroon lamang ng koneksyon sa mga kum­panya o indibidwal ay hindi sapat na batayan upang tawagin ang isang tao na kasabwat.

 

 

Inihayag ng alkalde na ang mga ganitong akusasyon ay kailangang masuportahan ng sapat na ebidensya.

 

 

“Ang pagiging cons­pirator ay may legal na batayan sa ating bayas. Ang pagkakaroon ng koneksyon sa mga kum­panya o indibidwal, lalo na kung hindi malinaw, ay hindi sapat upang iugnay ang isang tao sa kaso, partikular na sa kaso ng Human Trafficking,” sabi ni Mayor Guo.

 

 

Binanggit niya na wala siyang anumang kaugnayan o pakikibahagi sa Zunn Yuan Technology, Inc. o anumang POGO sa bansa.

 

 

Kahit na hindi pa natatanggap ang kopya ng pormal na reklamo, nananatiling kumpiyansa si Mayor Guo na walang sapat na ebidensya na mag-uugnay sa kanya sa mga paratang.

 

 

Ipinahayag niya ang kanyang pangamba na ang mga paratang ay maagang inilabas sa publiko bago pa man ipakita ang anumang kongkretong ebidensya.

 

 

Aniya, tila niluto muna sa publiko at sa media ang mga alegasyon bago ito isinampa laban sa kanya. (Daris Jose)

Other News
  • Sekyu sugatan sa pamamaril sa Malabon

    Malubhang nasugatan ang isang 27-anyos na security guard matapos barilin ng hindi kilalang suspek makaraang komprontahin nito ang biktima sa Malabon city.     Kasalukuyang inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang braso na tumagos sa katawan ang biktimang si Ronnie Fernandez, ng Blk 48, Lot 31 Phase 3 […]

  • Price freeze sa mga pangunahing bilihin sa mga lugar na nasa ilalim ng State of Calamity

    TINIYAK ng Malakanyang na walang magaganap na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na idineklarang nasa ilalim ng State of Calamity dahil sa matinding pananalasa ng bagyong  Ulysses.   “Pinapaalalahanan din ang Department of Trade and Industry na base sa Republic Act 7581 o ang Price Act, ang presyo ng mga […]

  • 44 na ang sugatan, 18,000 pamilya ang apektado matapos ang malakas na lindol sa Abra

    UMAKYAT  na sa 44 katao ang napaulat na nasugatan matapos tumama ang malakas na magnitude 6.4 na lindol sa lalawigan ng Abra at sa ibang parte ng Northern Luzon.     Ayon sa latest report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 32 katao ang naitalang sugatan mula sa Cordillera Administrative Region […]