• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, suportado ang UN Security Council ukol sa planong tigil-putukan sa Gaza

PINURI ng Pilipinas ang resolusyon ng United Nations Security Council na sumusuporta sa three-phase ceasefire plan sa Gaza strip.

 

 

 

Sinabi ng Department of Foreign Affairs na muling pinagtibay ng UN Resolution S/RES/2735 ang commitment ng UN sa kapayapaan at katatagan at ang bansa ay committed na magbigay ng kinakailangang pagsisikap para tumulong na makamit ang isang “peaceful resolution” sa Gaza.

 

 

 

“The prompt implementation of the measures is imperative to alleviate the suffering of innocent civilians caught in the crossfire… The country stands ready to contribute to initiatives that foster stability, security, and peace in the region,” ang nakasaad sa kalatas.

 

 

 

Ang UN S/RES/2735, in-adopt noong Hunyo 10, hinikayat ang ganap na pagpapatupad ng isang three-phase ceasefire deal para wakasan ang giyera sa pagitan ng Hamas at Israel sa Gaza.

 

 

 

Kabilang sa kasunduan ay ang ligtas na pagpapalaya sa mga hostages at bilanggo, withdrawal ng forces, pagbabalik ng mga namatay na nananatiling nasa Gaza Strip, epektibong distribusyon ng humanitarian assistance, at multi-year reconstruction plan” para sa Gaza.

 

 

 

Ang resolusyon ay in-adopt matapos ang 14 boto na pabor sa loob ng UN Security Council, habang nag-abstain naman ang Russian Federation. (Daris Jose)

Other News
  • Taga-NCR, malaya na sa mga restriksyon sakaling maipatupad na ang Alert level 1 o ang new normal

    MALAYA na ang National Capital Region (NCR) mula restriksyon sakali’t ilagay ito sa ilalim ng Alert level 1.     Ang pahayag na ito ng Malakanyang ay kasunod ng posibleng paglalagay na sa mas mababang alerto ang Kalakhang Maynila subalit depende sa kalalabasan ng datus na nakatakdang pag aralan ng IATF.     Ayon kay […]

  • Vintage bombs nadiskubre sa Caloocan

    NATAGPUAN ang hinihinalang mga vintage bombs o Explosive Remnants of War (ERW) sa isang excavation site sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.     Ayon sa ulat, dakong alas-3:20 ng hapon nang madiskubre ang nasabing ERW sa excavation site sa loob ng Manila Central University Compound sa Morning Breeze St., Brgy. 84 ni Virgilio Lapitan, […]

  • Presyo ng ilang Noche Buena items, sumirit- DTI

    NAGSIMULA nang sumirit ang ilang Noche Buena items bago pa ang Kapaskuhan.  Dahil dito, pinag-aaralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) kung magpapalabas pa sila ng  price guide. Gayunman, may ilang manufacturers  ang nagpalabas ng  advisories kung saan ang presyo ng ham ay tumaas ng P40. “Kinakausap pa naman yung mga manufacturers para […]