• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sinabihang ‘banong umarte’ sa mismong kaarawan: DAVID, aminado na apektado ‘pag naba-bash ang acting

AMINADO naman si David Licauco na kapag naba-bash ang acting niya ay apektado siya.

 

Lahad ni David, “Siguro pag bina-bash ang acting ko. Dun ako naba-bad trip. Minsan gusto kong mag-reply.

 

“Pero siyempre, e, entitled naman sila sa opinions nila, e.

 

“Pero OK lang naman sa akin. Sa totoo lang, immune na rin ako. Pag minsan lang, kunwari bad mood ka, nakita mo. Parang hmmm…

 

“Nung birthday ko, may nakita ako. Birthday ko na nga, imbes na i-greet ako, sinabi sa akin, ‘Babanu-bano umarte.’”

 

Kaka-celebrate lang ni David ng birthday niya nitong June 15 in a more positive note, happy si David sa tambalan nila ni Barbie Forteza, na kung aabutin ito ng mahabang panahon ay ikasisiya ng binata.

 

“Bakit hindi, di ba? If it’s working, siyempre. If it’s working, yes.”

 

Paano kung pagsawaan sila ng mga fans.

 

“Siguro depende pa rin yun sa mga fans. Kumbaga, Nasa kanila naman yun kung magsasawa sila o hindi.

 

“Kami, ginagawa lang naman namin yung best namin.”

 

Paano kapag nagdesisyon ang GMA management o ang mga movie producers na buwagin ang BarDa?

 

Kaya niya?

 

“Hindi ko alam actually. Hindi ko alam dahil hindi ko pa siya nape-face, di ba?

 

“But I don’t know, I think this is my comfort zone as of the moment. I think andami ko nang ginawang uncomfortable decisions sa buhay ko na… pagnenegosyo, maraming uncertainties.

 

“I think this one is, you know, I’m in my comfort zone. And siguro as much as possible, I wanna be in that comfort zone muna.”

 

Mula sa Pocket Media Productions, Inc. at Pocket Media Films, nasa cast din ng That Kind of Love sina Arlene Muhlach, Divine Aucina, Al Tantay, Kaila Estrada at Ivan Carapiet, sa direksyon ni Catherine Camarillo.

 

Ang premiere night nito ay sa Hulyo 4 sa SM Megamall. Showing ito sa mga sinehan umpisa Hulyo 10.

 

Nalalapit na rin, sa July 29, ang “Pulang Araw” sa GMA at sa Netflix kung saan kasama naman nina David at Barbie sina Alden Richards, Sanya Lopez at Dennis Trillo.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • SC, tuluyan nang ibinasura ang Anti-Terror Act of 2020

    TULUYAN  nang ibinasura ng Korte Suprema ang mga petisyon na humihiling na ibasura ang Anti Terrorism Act of 2020.     Sa En Banc deliberation dito sa Baguio City ng mga mahistrado ng SupremeCourt (SC), binasura ang mga inihaing motions for reconsideration ng mga petitioner.     Ibinase ng SC En Banc ang desisyon sa […]

  • Administrasyong Marcos, nalampasan ang 2022 revenue target ng 2.2%

    NALAMPASAN na ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang  revenue target para sa 2022 ng 2.2%.     Ito ang inanunsyo ng  Office of the Press Secretary (OPS), tinukoy ang report ng Department of Finance (DOF).     Sinabi ng OPS na ang lumabas na  revenue collections mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) […]

  • Ads February 26, 2022