• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa Gabi ng Parangal ng ‘7th EDDYS’ sa July 7: JANINE, magsisilbing host kasama sina GABBI at JAKE

ASAHANG mas magniningning pa ang Gabi ng Parangal para sa gaganaping 7th EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ngayong July 7, 2024.

 

‘Yan ay dahil sa tatlong celebrities na magsisilbing host ng ika-7 edisyon ng The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

 

Pangungunahan ito ng itinanghal na Best Actress sa 6th EDDYS na si Janine Gutierrez (para sa pelikulang ‘Bakit Di Mo Sabihin?’) kasama ang Kapuso Millennial It Girl na si Gabbi Garcia at movie at TV actor na si Jake Ejercito.

 

Nagmarka si Janine sa ABS-CBN series na “Dirty Linen” at inaasahang gagawa uli ng kasaysayan sa upcoming Kapamilya serye na “Lavender Fields.”

 

Umani ng papuri si Gabbi sa pagiging host ng Miss Universe Philippines 2024 last month, na bibida uli sa “Sang’gre: Encantadia Chronicles” ng GMA 7 ngayong taon.

 

Pinag-usapan naman si Jake sa top-rating series ng ABS-CBN na “Linlang” at “Can’t Buy Me Love”. Pinuri rin siya sa blockbuster film na “A Very Good Girl” na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon.

 

Inaasahang na mas magiging matindi ang labanan sa ika-pitong edisyon ng The EDDYS. Magbabakbakan ang limang de-kalibreng pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at online platform nitong nagdaang taon na gumawa ng ingay at nagmarka sa mga manonood.

 

Ang mga nominado sa kategoryang Best Film ay ang “About Us But Not About Us” (The IdeaFirst Company, Octoberian Films, Quantum Films); “Firefly” (GMA Pictures, GMA Public Affairs);

 

“GomBurZa” (Jesuit Communications, MQuest Ventures, CMB Film Services); “Iti Mapukpukaw” (Project 8, GMA News and Public Affairs, Terminal Six Post) at Mallari” (Mentorque Productions, Clever Minds Inc.).

 

Nominado naman sa kategoryang Best Director sina Derick Cabrido (“Mallari”); Pepe Diokno (“GomBurZa”); Zig Dulay (“Firefly”); Jun Robles Lana (“About Us But Not About Us”); Carl Joseph Papa (“Iti Mapukpukaw”).

 

Magpapatalbugan sa pagka-Best Actress sina Kathryn Bernardo (“A Very Good Girl”); Charlie Dizon (“Third World Romance”); Julia Montes (“Five Breakups And A Romance”); Marian Rivera (“Rewind”); Vilma Santos (“When I Met You In Tokyo”); at Maricel Soriano (“In His Mother’s Eyes”).

 

Nominado naman sa Best Actor category sina Elijah Canlas (“Keys to the Heart”); Dingdong Dantes (“Rewind”); Cedrick Juan (“GomBurZa”); Piolo Pascual (“Mallari”); Alden Richards (“Five Breakups And A Romance”); Romnick Sarmenta (“About Us But Not About Us”).

 

Para sa kategoryang Best Supporting Actress nominado sina Dolly de Leon (“Keys to the Heart”); Alessandra de Rossi (“Firefly”); Gloria Diaz (“Mallari”); Gladys Reyes (“Apag”); at Ruby Ruiz (“Langitngit”).

 

Sa Best Supporting Actor category maglalaban-laban sina Enchong Dee (“GomBurZa”); Keempee de Leon (“Here Comes The Groom”); Nanding Josef (“Oras de Peligro”); Roderick Paulate (“In His Mother’s Eyes”); at JC Santos (“Mallari”).

 

Ang 7th EDDYS ay gaganapin sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts sa Pasay City.

 

Mapapanood ang delayed telecast ng idaraos na Gabi ng Parangal sa ALLTV sa darating na July 14, 10 p.m. Ito’y muling ididirek ng award-winning actor at filmmaker na si Eric Quizon.
Ang Brightlight Productions ang line producer ng awards night

 

Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts at ALLTV, kasama pa rin ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom bilang major sponsor.

 

Katuwang din ng grupo ngayong taon ang Beautéderm ni Rhea-Anicoche Tan, Unilab, Camille Villar, former Ilocos Sur Governor Chavit Singson at ang Echo Jam.

 

Ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema.

 

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas, sa pangunguna ng presidente nitong si Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Pinas, igigiit ang lahat ng karapatan laban sa bagong batas ng China

    IGIGIIT ng Pilipinas ang lahat ng karapatan nito patunay sa diplomatic protest na inihain ng Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa bagong batas ng China na nag-uutos sa kanilang Coast Guard na maaaring gumamit na ng dahas o armas laban sa mga dayuhang barko na pupunta sa kanila teritoryo sa South China Sea.   […]

  • 22 Navoteños tumanggap ng bike at cellphone mula sa DOLE

    NAKATANGGAP ang 22 mga Navoteños mula sa informal work sector ng libreng bisikleta at Android mobile phones mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).   Ito ay proyekto sa ilalim ng Integrated Livelihood and Emergency Employment Program o FreeBis (Bisekletang Pangnapbuhay) ng DOLE.   Pinangunahan ang turnover ng mga bisikletra at cellphone nina Navotas […]

  • P470 umento sa NCR, ipipilit sa wage board

    MULING  naghain ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng P470 dagdag-suweldo para sa mga manggagawa sa Metro Manila.     Ito ay makaraang iba­sura noong Lunes ng wage board ang naunang petisyon ng TUCP dahil hindi umano sila maaaring makapagbigay ng “across the board” na umento. […]