• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P150K shabu nasamsam sa Malabon drug bust, 4 timbog

MAHIGIT P150K halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang ginang matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon City.
Ayon kay Malabon chief P/Col. Jay Baybayan, dakong alas-10:00 ng gabi nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa buy bust operation sa C-4 Road, Brgy. Tañong, sina alyas Cristy, 47, at alyas Tony, 56.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 12.5 grams ng hinihinalang shabu standard drug price value na P85,000.00 at buy bust money.
Bandang ala-1:00 ng madaling araw nang madakip naman ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa kanto ng Gen Luna at Celia 1 Street, Brgy. Bayan Bayanan, sina alyas Anjho at alyas Ross.
Nakuha sa mga suspek ang nasa 10.0 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P68,000.00 at buy bust money.
Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Malabon police sa kanilang matagumpay na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
Other News
  • TULAK NALAMBAT SA P1.1 MILYON SHABU SA DAGAT SA NAVOTAS

    NALAMBAT ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa karagatan na sakop ng Navotas City ang isa umanong drug dealer na gumagamit ng bangka sa paglalako niya ng illegal na droga, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Rudy Las Piñas, 40, ng 554 […]

  • 4-DAY WORK WEEK

    PATULOY sa pagdami ang infected ng COVID-19 dahilan kaya isinailalim na sa ngayon ang community quarantine sa buong Metro Manila base na rin rekomendasyon ng Department of Health kay Pangulong Rodrigo Duterte.   Hindi ginamit ang salitang lockdown dahil maaaring maging sanhi ito ng mas matinding panic sa publiko, wala rin aniyang gulo na nangyayari […]

  • AstraZeneca binigyan na ng EUA ng FDA

    Binigyan na ng Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization (EUA) ang AstraZeneca para sa paggamit sa bansa ng COVID-19 vaccines.     Ayon kay FDA Director General Eric Domingo na batay sa mga datos, mas lamang ang benepisyo sa nasabing bakuna kaysa sa peligrong maaaring iudulot nito.     Sa unang dose, […]