• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Masayang nagkasama after so many years: BEA, muling nasampolan ng sampal ni JEAN

NAGING malaking parte si Jean Garcia sa pagiging artista ni Bea Alonzo. Unang silang nagkasama sa 2002 teleserye na Kaytagal Kang Hinintay at nasundan ito noong 2003 with ‘It Might Be You.’

 

 

 

 

Kaya natuwa si Jean noong b siya sa ‘Widows’ War’ dahil muli niyang makakatrabaho si Bea after 20 years.

 

 

 

 

“Teenager pa si Bea noon and first team-up pa nila yun ni John Lloyd (Cruz). Walang pinagbago si Bea. Same pa rin. Magaling naman na siya noon, mas lalo siyang magaling ngayon,” sey ni Jean na pinatikim na si Bea ng kanyang signature na sampal.

 

 

 

 

Sey ni Bea: “Nung sinampal niya ako, sabi ko, ‘Nakabalik na nga pala si Miss Jean Garcia sa buhay ko!’ Na-miss ko ‘yung intensity nung sampal ni Miss Jean.

 

 

 

 

“Buti na lang siya ‘yung ka-eksena ko kasi feeling ko mas masasaktan ako. I’m glad na nagkasama ulit kami after so many years.”

 

 

 

 

Hindi lang daw si Bea ang papakitaan ni Jean ng pagiging impaktita niya dahil pati Carla Abellana ay nag-aabang na masampolan niya.

 

 

 

 

Sey ni Carla: “Pinaghahandaan ko na. Wala pa kaming masyadong mabigat na eksena ni Ms. Jean pero masaya ako to work with her for the first time. Kaya ready na po ako sa pagsalo ng mga sampal niya.”

 

 

 

 

***

 

 

 

 

PUMANAW na ang aktor at direktor na si Manny Castañeda sa edad na 69, ayon sa Facebook post ng kaniyang kaibigan na si direk Jose “Joey” Javier Reyes.

 

 

 

 

“Most likely cardiac arrest. He has been sickly lately. Just a month ago he was diagnosed with pneumonia, and also a heart condition,” ayon kay Direk Joey sa cause of death ni Direk Manny.

 

 

 

 

Sa naturang post ni Reyes, chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), inihayag niya ang labis na kalungkutan sa pagpanaw ng kaniyang kaibigan, na una niyang nakilala noong walong taong gulang pa lang sila.

 

 

 

 

“I do not know how it is going to be without my best friend just sitting out there ready to bitch it out with me,” ani Reyes.

 

 

 

 

Ayon kay Reyes, matapos nilang magkakilala ni Castañeda noong walong-taong-gulang sila, muli silang nagkita sa canteen ng De la Salle College at mula noon ay hindi na sila nagkahiwalay.

 

 

 

 

“All throughout college … until we both ended up teaching then finding our place in the insane world of show business,” pagbahagi ni Reyes.

 

 

 

 

Bagaman may pagkakaiba, sinabi ni Reyes na laging nangingibabaw ang pagiging magkaibigan nila para sa isa’t isa.

 

 

 

 

“I never told this you when you were around because I knew you would just cringe and tell me to shut up — but you are such a great part of my life because you are my irreplaceable BFF,” pahayag niya.

 

 

 

 

“I am going to miss you big time,” pagtatapos sa caption ni Reyes sa black and white photo nilang dalawa.

 

 

 

 

***

 

 

 

 

MUKHANG tuluyan nang naghiwalay sina Jennifer Lopez at Ben Affleck.

 

 

 

 

Balita ng People magazine, naghakot na ng kanyang personal belongings si Ben mula sa Beverly Hills mansion nila ni Jennifer.

 

 

 

 

Kasalukuyang nagbabakasyon ni J.Lo sa Europe noong maghakot ng mga gamit si Ben.

 

 

 

 

“Ben continues to live at the Brentwood rental. He’s been there for about two months now. He seems okay. He’s been at his office every day and seems focused on work. He’s also spending time with his kids,” ayon sa People.

 

 

 

 

For sale na ang marital home nila for $65 million ayon sa realtor na si Santiago Arana from The Agency.

 

 

 

 

Magdadalawang taon pa lang kasal sina Ben at Jennifer ngayong July 16, pero nauwi na ito agad sa hiwalayan.

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Ads June 9, 2022

  • PDu30, binanggit ang tagumpay ng Pilipinas laban sa China hinggil sa agawan ng teritoryo sa South China Sea

    TINUKOY ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang tagumpay ng Pilipinas laban sa China sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.   Sa kanyang naging talumpati sa United Nations General Assembly, sinabi ng Pangulo na hindi pinapayagan at hindi tinatanggap ng Pilipinas ang anumang pagtatangka na sisira sa July 2016 ruling ng Permanent Court of […]

  • Panukalang forfeiture ng illegally acquired foreign-owned real estate, inihain

    ISINUSULONG sa Kamara ang panukalang magbibigay otorisasyon sa gobyerno na kumpiskahin ang mga unlawfully acquired real estate properties ng foreign nationals, partikular ang mga sangkot sa illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).     Ang House Bill (HB) No. 11043, o “Civil Forfeiture Act,” ay inihain nina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Deputy […]