Nagtala na naman ng history: SB19, first Pinoy group na na-feature sa Japanese YT channel na ‘The First Take’
- Published on July 3, 2024
- by @peoplesbalita
NAGTALA na naman ng history ang SB19.
Sila ang kauna-unahang Pilipino na itinampok sa Japanese Youtube channel na The First Take na nagpapalabas ng mga artists na kakanta ng live na isang take lamang, walang cut, walang take 2 ang performance.
Napapanood ang almost perfect na pag-awit nina Ken, Justin, Josh, Pablo, at Stell ng kanilang hit single na ”Gento” nitong July 1 alas nuwebe ng gabi, Philippine time, 10 pm Japan time.
Sa The First Take, na may mahigit 9.79 million subscribers sa YouTube ay nakapag-guest na sina Avril Lavigne, Harry Styles, Loren Allred; ang South Korean boy band Stary Kids, at ang RIIZE, ang BTS member na si V, ang K-pop girl groups na ITZY at ang (G)I-DLE.
***
REBELASYON ni Bea Alonzo, nakaka-drain ang ‘Widows’ War.’
Lahad niya, “Sa totoo lang, itong project na ito hindi lang siya emotionally draining sa mga artista, physically draining din siya,” at natawa si Bea.
“Unang-una kung mapapansin niyo sa AVP kanina, ang gaganda ng mga locations, di ba?
“Talagang sinasadya namin yung mga locations namin; Bataan, La Union, Batangas.
“Talagang mine-make sure ni direk na physically, visually enticing din siya.
“So, siyempre mahirap din naming puntahan ang mga lugar na ito just to make sure na maganda siyang lalabas based dun sa script.
“Kung paano nila na-imagine we can only hope na ganun din siya lalabas sa screen, di ba?
“Yes, it’s very intense siguro hindi lang onscreen, but I have to say it’s also very intense for us.
“It’s very draining but hindi kami nagrereklamo kasi pag nakikita namin yung produkto nung ginagawa namin, ako very, very happy ako,” ang nakangiting pahayag pa ni Bea.
Samantala, winner ang pilot episode ng ‘Widows War’ dahil tinutukan ito at nakapagtala ng 8.9 % at kinabog ang ‘Pamilya Sagrado’ nina Piolo Pascual na pumalo naman sa 6.7 % na rating.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Cancer survivor pens open letter to PBBM: ‘Give importance to cervical cancer’
Reggie Mutia Lambo Drilon, cervical cancer survivor, outspoken patient rights advocate, and current president of the Cancer Survivors Organization at the Philippine General Hospital (PGH), is calling the attention of President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. to the plight of cancer patients, particularly female patients battling cervical cancer who are highly dependent on the government’s cancer health […]
-
Ads August 3, 2024
-
Ads November 24, 2023