Babaeng Vietnamese inaresto sa ‘unruly behavior’
- Published on July 5, 2024
- by @peoplesbalita
INARESTO ng mga opisyal ng immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang isang babaeng Vietnamese dahil sa kanyang ‘unruly behavior”.
Una rito, personal na humarap si Ban Thi Van, 19, sa kayang immigration clearance para sa pagsakay nito sa Cebu Pacific Air flight biyaheng Hanoi.
Pero sa isinagawang inspection ng mga immigration officers, bigla nitong hinablot ang kanyang pasaporte at ibinalibag saka nagsisigaw at naglupasay sa sahig na nagdulot ng kaguluhan sa immigration departure area.
Humingi ng assistance ang BI border control and intelligence unit sa airport police at Philippine National Police (PNP) aviation security group at tuluyan itong inaresto.
Matatandaan na nitong nakaraang buwan, isa ring babaeng Vietnamese ang nagdulot ng kaguluhan sa NAIA terminal 3 sa pagtakbo nito ng hubot-hubad. GENE ADSUARA
-
Wala silang problema at nagrerespetuhan… DEREK, maayos ang co-parenting setup nila JOHN LLOYD for ELIAS
A few hours after magsara ang mga voting precints noong election day last Monday, May 9, hindi nagtagal at nakapagpadala na ng mga unofficial election returns ng mga candidates ang GMA Network, na 24 hours non-stop na nag-cover ng “Election 2022.” Kaya nagkaroon ng chance ang mga anchors para maka-usap ang mga nananalong […]
-
P1 bilyong ayuda sa workers, nakahanda na
AABOT sa 200,000 manggagawa sa pormal na sektor ang mabibiyayaan sa ilalabas na P1 bilyong halaga ng ayuda ngayong katapusan ng Enero, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE). Tatanggap ng tig-P5,000 ang bawat manggagawa na naapektuhan ng ekstensyon ng Alert Level 3. Sinabi ni Labor Assistant Secretary Dominique Rubia-Tutay […]
-
Pinay spikers palaban sa Hanoi SEAG
Pinagsamang beterano at bagitong players ang isasabak ng Pilipinas sa women’s volleyball competition ng 31st Southeast Asian Games na idaraos sa Hanoi, Vietnam sa Mayo 12 hanggang 23. Bumabandera sa listahan sina middle blocker Jaja Santiago at outside hitter Alyssa Valdez na parehong may malalim na karanasan sa international tournaments. […]