• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nahihiya lang tanungin ang anak-anakan niya: SHARON, magiging masaya ‘pag naging sina ALDEN at KATHRYN na

NATANONG nga si Megastar Sharon Cuneta tungkol sa sinasabing namumuong relasyon sa pagitan ng kanyang anak-anakan na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

 

Nakasama ni Sharon si Kathryn bilang anak niya sa 2018 movie na “Three Words to Forever,” at si Alden naman ay gumanap na anak niya sa Metro Manila Film Festival 2023 entry na “Family of Two.”

 

Matagal na ngang usap-usapan na nagkakamabutihan na raw ang dalawang award-winning at Box-Office stars, na magbabalik-tambalan sa ‘Hello, Love, Again’.

 

Kaya ang sagot ni Mega sa tanong ni MJ Felipe sa ‘On Cue’ kung boto siya sa dalawa, “Ako, oo naman!”

 

 

“Kung saan sila maligaya, lalo kung sa isa’t isa, talaga namang…alam mo naman si mama, kung kailangan, magpagawa ako ng tarpaulin!”

 

Pero nahihiya naman daw siyang magtanong kay Alden kung sila na ba Kathryn?

 

“Ayokong magsabing oo, pero tawagan ko si Alden mamaya. Nahihiya kong magsabi ng ‘Anak, kayo na ba?’ Pero nag-message ako sa kaniya, sabi ko ‘Anak, kung totoo ‘yan napakasaya ko!” say pa ni Sharon.

 

Pahayag naman niya tungkol sa dalawa na pareho na nga niyang nakatrabaho at tinuring na anak-anakan, “She’s so deserving of everything she has received. Her stardom, her status, because she’s one of the best people I’ve ever met.

 

“And then Alden, the same. The very same words.

 

“So, I cannot contain my excitement! Pero nahihiya akong magtanong.”

 

Busy na ngayon sina Alden at Kathryn sa shooting ng reunion movie nila, na sequel ng blockbuster hit nilang “Hello, Love, Goodbye” mula pa rin sa direksyon ni Cathy Garcia, na ipalalabas sa November 13, 2024.

 

Sa pagbabalik-Kapamilya ni Sharon, muli siyang mapapanood sa bagong project ng Dreamscape Entertainment. Huli nga siyang napanood sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin, na almost two years ago.

 

Excited na si Sharon sa bago niyang serye dahil, “‘yung mga makakasama ko, ‘yung isa mahal na mahal ko, ‘di na kayo magugulat kapag nalaman ninyo.

 

“‘Yung iba mga first time ko makakasama, yung mga alam ko pa lang.

 

“Talagang patong-patong at sumasabog ang heart ko sa excitement at sa saya.”

 

(ROHN ROMULO) 

Other News
  • Yuka Saso, binati ng Malakanyang

    “Today is a great day in Philippine sports.”   Binati ng Malakanyang si Yuka Saso na nag-uwi ng karangalan sa Pilipinas nang manalo sa 2021 US Women’s Open.   Matatandaang nauna nang nakita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Saso sa Malakanyang nang pagkalooban ito ng Presidential citation matapos na manalo ng gold medal sa […]

  • Pinuna ang character ni Sharon na nabaril na pero buhay pa: Action-serye ni COCO, pitong taon na at malabo pang matapos

    HABANG papalapit ang 7th anniversary sa ere ng FPJ’s Ang Probinsyano, lagi pa rin kami nakababasa ng mga comments sa social media na sana raw ay tapusin na ng ABS-CBN ang action-serye ni Coco Martin.   Sabi ng mga netizens, nakakasawa na raw ang takbo ng kwento. Feeling nila ay niloloko na lang daw ang […]

  • Financial support kailangan ng PH table tennig team para makapag-training na uli – president

    Suliranin ngayon ng Philippine Table Tennis Team ang aspetong pinansyal upang maipagpatuloy ang pag-eensayo para paghandaan ang mga nakatakdang tournaments.   Sa panayam kay Philippine Table Tennis Federation president Ting Ledesma, nais niyang tipunin ang mga atleta sa isang training bubble ngunit hindi ito madali lalo at pahirapan ang paghahanap ng sponsor na siyang gagastos […]