• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Birth cert ni Alice Guo pinapakansela ng OSG

PINAPAKANSELA ng Office of the Solicitor General (OSG) ang birth certificate ng suspendidong si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, batay sa inihaing petisyon sa Tarlac Regional Trial Court kahapon.

 

 

 

Magkatuwang ang OSG at ang Philippine Statistictics Authority (PSA) sa pagsasampa ng petisyon.

 

 

Sinabi ni Solicitor Gene­ral Menardo Guevarra na ang paghahain ng cancellation of the birth certificate ay maglalatag ng batayan para sa kasunod na paghahain ng petisyon para sa quo warranto para mapatalsik si Guo bilang alkalde ng Bamban, at masampahan pa ng karagdagang kaso.

 

 

Kabilang sa argumento sa petisyon ang umano’y kabiguan ni Guo na sumunod sa mga legal na kinakailangan para sa late registration of birth, ani Guevarra.

 

 

 

Nauna nang sinabi ng PSA na nakakita sila ng mga iregularidad sa birth certificate ni Guo, habang ang National Bureau of Investigation (NBI) naman ang nagkumpirma na tumugma ang fingerprints ng alkalde sa babaeng Chinese na si Guo Hua Ping. (Daris Jose)

Other News
  • Sa dalawa lang na-starstruck sa buong buhay niya: ALDEN, consistent sa pagsasabing idol niya sina JOHN LLOYD at BEA

    CONSISTENT talaga ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na idol niya talaga sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.     Kaya ang unang pagsasama raw nila ni Bea ngayon sa ‘Start-Up PH’ ay isang bagay rin na noong una ay hindi niya inakalang posible pala.     “Hindi naman po lingid sa […]

  • DOH nangangambang tataas ulit ang COVID-19 cases habang papalapit ang Pasko

    Nangangamba ang Department of Health (DOH) na tumaas ulit ang maitatalang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ngayong papalapit na ang Pasko.     Sa briefing ng House Committee on Trade and Industry, binigyan diin ni DOH Epidemiology Bureau Dir. Alathea de Guzman na hindi dapat nagpapakampante ang publiko sa kabila nang pagbaba ng […]

  • Sa gitna ng babala ng China: PBBM, pinanindigan ang mga bagong EDCA sites

    PINANINDIGAN at kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na papayagan ang Estados Unidos na mag-station ng tropa nito at mga kagamitan sa apat pang bagong sites sa iba’t ibang panig ng bansa.     Ito’y sa gitna ng naging babala ng China na ang payagan ang mas marami pang sites sa ilalim ng PH-US Enhanced […]