• July 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 kelot na umiwas sa multa, kulong sa droga sa Caloocan

NABISTO ang dalang mahigit P50K halaga ng shabu ng dalawang lalaki nang takbuhan ang mga pulis na sumita sa kanila dahil sa paglaba sa ordinansa sa Caloocan City.

 

 

 

Sa ulat, habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station (SS-2) sa 2nd Aveune, Brgy. 120 nang makita nila ang dalawang lalaki na nagyoyosi sa pampubliko lugar dakong alas-6:45 ng gabi na malinaw na paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod.

 

 

 

Nang lapitan nila para isyuhan ng Ordinance Vilolation Receipt (OVR) ay tumakbo umano ang mga suspek para tumakas kaya hinabol sila ng mga pulis hanggang sa makorner at maaresto.

 

 

 

Nang kakapan, nakumpiska sa mga suspek na sina alyas ‘Ungas’ at alyas ‘Batak’ ang tig-isang transparent plastic sachet na naglalaman ng nasa 8.5 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P57,800.00.

 

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • ACTION ADVENTURE “UNCHARTED” DROPS NEW TRAILER

    THE race for the greatest treasure is on… if Nathan Drake (Tom Holland) and Victor “Sully” Sullivan (Mark Wahlberg) can survive each other first. Watch the latest trailer for the new action adventure Uncharted, exclusively in Philippine cinemas 2022.     YouTube: https://youtu.be/XgG5FiWm3Yk       About Uncharted     Street-smart thief Nathan Drake (Tom Holland) is recruited […]

  • 13 years na silang masayang magkasama: SOLENN at NICO, nag-celebrate na ng 8th wedding anniversary

    NAG-CELEBRATE ng kanilang 8th wedding anniversary ang celebrity couple na sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico.   Nag-share ng photo nila ni Nico si Solenn via Instagram na may caption na: “4 years of dating, 1 year engaged, 8 years married. After 13 years, you still make me laugh, put effort into our everyday life, […]

  • Give-away na social media postings nila: CARLO, obvious na hiwalay na talaga sa ina ng anak na si TRINA

    OBVIOUS naman na hiwalay na talaga sina Carlo Aquino at ang ina ng anak niya na si Trina Candaza.       Ang dalawa na rin ang naggi-give-away sa mga social media postings nila.     Kahit na may mga comments na nagsasabing dapat daw, hindi na lang nagpo-post ng kung ano-anong patama si Trina sa […]