Finnish envoy, pinasalamatan si PBBM sa muling pagbubukas ng PH embassy sa Helsinki
- Published on July 10, 2024
- by @peoplesbalita
PINASALAMATAN ni Outgoing Finnish Ambassador Juha Markus Pyykkö si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa muling pagbubukas ng Philippine embassy sa Helsinki, Finland ngayong taon.
Sa kanyang farewell call kay Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Lunes, nagpahayag ng matinding kagalakan si Pyykkö sa muling pagbubukas ng Philippine Embassy sa Finnish capital.
“I’m extremely happy that the Philippines is reopening in Helsinki. So, thank you for that. It’s very, very interesting,” ang sinabi ni Pyykkö kay Pangulong Marcos, ayon sa ipinalabas na news release ng Presidential Communications Office (PCO).
Para naman sa Pangulo, mahalaga na muling mabuksan ang Philippine Embassy sa Helsinki dahil mas mapalalakas nito ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Finland, na itinatag noong Hulyo 14, 1955.
“It will be beneficial not only for the two countries but “for everyone else,” ayon sa Chief Executive.
“These relationships provide us a solid footing in terms of our relationships around them with not only amongst ourselves, but [also] with other countries,” ang winika ni Pangulong Marcos.
Sa ulat, isinara ang Philippine Embassy sa Helsinki noong Oktubre 2012.
Inaprubahan naman ng Senado ang muling pagbubukas nito sa isinagawang budget hearing noong Nobyembre 2022.
Bukod kay Pyykkö, nagkaroon din ng farewell call si Irish Ambassador William John Carlos kay Pangulong Marcos, araw ng Lunes sa Palasyo ng Malakanyang.
Sinabi ni Carlos na mahirap para sa kanya na iwan ang bansa lalo pa’t ‘attached’ na siya sa pagiging hospitable ng mga filipino at sa mayamang kultura ng bansa.
“[What] I like about here as well is the accessibility of the people. And the humor, it’s something that we connect with,” ayon kay Carlos.
“There’s a lot of connection between my country and your country. There’s a growing relationship between Ireland and the Philippines,” dagdag na pahayag ni Carlos.
Sinabi naman ni Pangulong Marcos na masaya siya na malaman na nagkaroon ng ‘wonderful stay’ si Carlos sa bansa at nagawa nitong bisitahin ang Ilang lugar sa Pilipinas.
Samantala, naitatag naman ang diplomatic relations ng Pilipinas at Ireland noong July 1984. (Daris Jose)
-
Russian troops na napatay sa giyera nasa 17,000 na – Ukraine gov’t
HALOS 17,000 mga Russian troops na ang napatay sa Ukraine sa ngayon ayon sa isang Ukrainian General Staff. Sinira umano ng mga pwersang Ukrainian ang 123 sasakyang panghimpapawid ng Russia, 127 helicopters, 586 tanks, 1,694 armored vehicles, 1,150 sasakyan, 66 UAVs, 73 fuel tankers at pitong bangka. Ayon sa pinakabagong update […]
-
Ads October 24, 2020
-
Minimum wage hikes sa Calabarzon at Davao region aprubado na rin – DOLE
INAPRUBAHAN na rin ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang daily minimum wage sa mga manggagawa sa Region IV-A. Ayon sa report ni Exequiel Ronnie Guzman, regional director ng Department of Labor and Employment (DOLE IV-A) may dagdag na P47 hanggang P97 ang matatanggap sa mga daily minimum wage earners. […]