• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Online sellers sinimulan nang patawan ng buwis

SINIMULAN na ng Bureau of Internal Revenue (BIR).ang pagpapataw ng withholding tax sa mga online sellers.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. ay batay sa Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 79-2024 na ipinalabas ng ahensiya.
“Electronic Marketplace Operators will begin imposing Withholding Tax against their sellers/merchants starting July 15, 2024. We have already extended this by 90 days. No further extensions will be given,” pahayag ni Lumagui.
Una nang binigyan ng BIR ng 90 araw na palugit o dalawang buwan ang mga online sellers para sa natu­rang pagbubuwis.
Saklaw ng kautusan ng BIR ang mga online sellers na nagsasagawa ng negosyo sa electronic marketplace gaya ng Lazada at Shopee.
Other News
  • Tuloy na tuloy na sa Nov. 26 sa Aliw Theater: PIOLO, magho-host pa rin sa awards night ng ‘6th The EDDYS’

    TULOY na tuloy na ang inaabangang ika-anim na edisyon ng The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ngayong taon. Matapos ma-postpone ang nakatakda sanang awards night nitong nagdaang October 22, inanunsyo na ng pamunuan ng SPEEd, sa pamamagitan ng Presidente nitong si Eugene Asis, magaganap na ang Gabi ng […]

  • Pag-aalis ng face mask ‘wag muna – DOH

    PUMALAG ang Department of Health (DOH) sa ipinalabas na kautusan ng isang local government unit (LGU) na nagsasabing boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask sa ilang lugar.     Iginiit ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, na masyado pang maaga para itapon na ang face masks o itigil na ang mandatory na pagpapatupad sa […]

  • Top 8 MWP ng NPD, nabitag ng Valenzuela police sa Rizal

    ISANG construction worker na nakatala bilang top 8 most wanted person sa Norhern Police District (NPD) ang nasilo ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela police sa isinagawang manhunt operation sa San Mateo Rizal, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. ang naarestong akusado na […]