• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Senator Gatchalian may death threat

NAKATANGGAP umano ng banta sa kanyang buhay si Sen. Sherwin Gatchalian na may kinalaman sa aktibo niyang partisipasyon sa pagdinig ng Senado sa Philippine Offshore Ga­ming Operators (POGO) na konektado kay Bamban City Mayor Alice Guo at pamilya nito.
Pormal na sumulat si Gatchalian kay Major Paul Benjamin Mandane, Sub-Station Commander ng Pasay City Police Station upang i-report ang banta sa kanyang buhay at upang hilingin na imbestigahan ang nasabing death threat.
“I was informed by my staff of a video circula­ting online containing explicit threats directed at my personal safety and well-being,” sabi ni Gatchalian sa kanyang liham.
Inilakip ni Gatchalian sa sulat ang transcript ng nasabing video na inupload sa You Tube channel ng Pinas Insider na may pamagat na “Hala! Alice Guo nagbayad ng 10 million para iligpit si Sen. Risa at Win Gatchalian?”.
“I have attached a trans­cript of the aforementioned video for your refe­rence. The creation and online dissemination of this video has caused me substantial concern for my security, as well as the safety of those around me, particularly my family and staff,” ani Gatchalian sa kanyang sulat.
Sa transcript ng video, sinasabing nagbayad umano si Guo ng tig-P5 milyon para sa “ulo” nina Gatcha­lian at Sen. Risa Hontiveros.
Hindi pa kinukumpirma ng tanggapan ni Hontiveros kung may death threat na natatanggap ang senadora. (Daris Jose)
Other News
  • A colossal threat forces the fearsome “Godzilla” and the mighty “Kong” into an alliance in “The New Empire” trailer

    The guardians of nature. The protectors of humanity. The rise of a new empire. Catch the brand new trailer of Godzilla x Kong: The New Empire, the new action adventure directed by Adam Wingard, who helmed its predecessor Godzilla vs. Kong. Returning for the sequel are Rebecca Hall and Bryan Tyree Henry, along with new […]

  • Stock na bigas ng PH, inaasahang tataas ngayong Oktubre – DA

    INAASAHANG tataas ang stock ng bigas sa Pilipinas ngayong Oktubre dahil sa inaasahang maaani na 1.9 million metrikong tonelada ng bigas.     Ayon kay Department of Agriculture – Bureau of Plant Industry Director Glenn Panganiban, inaasahang magtatagal ang suplay ng bigas hanggang 74 araw na tumaas mula sa 52 noong Setyembre.     Bunsod […]

  • Lovely, ‘di na napigilang i-share ang naranasan: MARIAN, mas lalong hinangaan ng netizens dahil sa kabutihan ng puso

    DAHIL sa IG post ng Kapuso actress-comedienne na si Lovely Abella tungkol sa naranasan din niyang kabutihan ng puso ni Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ay mas lalong dumami ang humanga sa asawa ni Dingdong Dantes.     Ibinahagi nga ni Lovely ang photos kasama si Marian at Dingdong na kuha sa taping […]