Pedicab driver tiklo sa P204K droga sa Valenzuela drug bust
- Published on July 18, 2024
- by @peoplesbalita
MAHIGIT P.2 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa isang pedicab driver na sangkot umano sa pagtutulak ng ilegal na droga nang matimbog ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, Martes ng umaga.
Kinilala ni P/Capt. Joan Dorado, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong suspek na si alyas ‘Dagul’, 42, at residente ng Brgy. Balangkas.
Sa kanyang report kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, sinabi ni Capt. Dorado na nakatanggap ng impormasyon ang kanyang mga tauhan hinggil sa umano’y pagbebenta ng illegal na droga ng suspek.
Bumuo ng team si Capt. Dorado sa pangunguna ni P/Lt. Johnny Llave saka ikinasa ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek matapos umanong bintahan ng P8,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer dakong alas-7:00 ng umaga sa Kabesang Imo at Bignay Sts., Brgy. Balangkas.
Ayon kay Lt. Llave, nakumpiska nila sa suspek ang humgi’t kumulang 30 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P204,000, buy bust money na isang P500 bill at 8-pirasong P1,000 boodle money, P200 recovered money, cellphone at coin purse.
Sinabi ni PMSg Carlos Erasquin Jr na sasampahan nila ang suspek ng kasong pagpabag sa Sections 5 at 11 under Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Valenzuela police sa kanilang pagsisikap para tugisin ang mga taong sangkot sa pagpapakalat ng ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.(Richard Mesa)
Other News
-
Inflation nitong Oktubre bahagyang bumilis — PSA
BAHAGYA pang bumilis ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa nitong Oktubre ngayong taon. Sa ulat ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, naitala sa antas na 2.3 percent ang headline inflation sa bansa nitong Oktubre na mas mataas kumpara sa 1.9 percent inflation rate […]
-
Gross domestic product sa Pilipinas inaasahang lalago – World Bank
KUMPIYANSA ang World Bank na makakabawi ang Pilipinas sa consumption Ang consumption o pagkonsumo ay tumutukoy sa mga private consumption expenditures o paggasta ng mga mamimili. Sa ulat ng East Asia at Pacific Economic Update Oktubre 2022 na inilabas, inaasahan na ngayon ng World Bank ang paglago ng gross domestic product (GDP) ng […]
-
Ads October 4, 2022