• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dalawang Tulfo, dating Pangulong Digong Duterte sa senatorial winning circle- Pulse Asia poll

NASA ‘winning circle’ ang dalawang Tulfo at si dating Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Roa Duterte sa June 17-24, 2024 Pulse Asia Survey para sa 2025 Elections Senatorial Preferences.
Tinatayang 58% ng survey respondents ang pumili kay broadcaster na naging ACT CIS Rep. Erwin Tulfo, dahilan para makopo niya ang unang puwesto, sinundan ito ni dating Senate President Vicente Sotto III na nasa pangalawang puwesto na may 50.4%.
Sumunod sina Senator Pia Cayetano na may 42.7% at ang kapatid naman ni Cong. Erwin Tulfo na si Ben Tulfo ay humamig ng 40.9%.
Nakakuha naman ng 38.7% si dating Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Roa Duterte habang si Senator Christopher “Bong” Go ay 36.6%.
Si Senator Imee Marcos ay nakakuha ng 33.8%, dating senador Manny Pacquiao 33.5%, dating senador Panfilo Lacson 32.2%, dating Manila Manila Mayor Isko Moreno 31.7 % at Senador Ronald dela Rosa na may 31.3%.
Si Senator Ramon “Bong” Revilla na may 29.9% ang magsasara ng winning circle.
Naka-abang naman sa labas ng Magic 12 sina dating congresswoman Vilma Santos Recto, Senator Lito Lapid, dating Senator Kiko Pangilinan, Makati Mayor Abby Binay, broadcaster Ted Failon, at dating Senador Gregorio Honasan.
Samantala, itinanggi naman ni Digong Duterte ang pahayag ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte na plano niyang tumakbo sa pagka-senador kasama ang kanyang dalawang anak na si Rep. Paolo Duterte at Davao City Mayor Sebastian Duterte sa halala sa susunod na taon.
Ang mga batang Duterte ay bahagi ng survey. si Sebastian Duterte ay mayroong 14.9% na may rank na 20-28 habang si Paulo Duterte naman ay mayroong 13.8% na may rank na 21-30.
Ang pangatlong Tulfo na si Raffy, isa ring broadcaster, ay isa ng Senador na magsisilbi hanggang 2028. (Daris Jose)
Other News
  • Duque bumanat kay Locsin sa 50 milyong ‘syringe deal’

    Tahasang tinawag ni Health Secretary Francisco Duque III na kasinungalingan ang akusasyon ni Fo­reign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa umano’y paglaglag muli ng pamahalaan sa isang deal para makabili ng 50 milyong pirasong ‘syringe’ na gagamitin sa ‘vaccination program’ ng bansa.     “Hindi totoo ‘yun. Kasinungalingan ‘yun, puro kasinungalingan ‘yun,” giit ni Duque […]

  • MEET THE CAST AND CHARACTERS OF “TEENAGE MUTANT NINJA TURTLES: MUTANT MAYHEM” IN NEW POSTERS AND FEATURETTE

    NOW this is some mutant mayhem. Meet the cast of Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem, in cinemas August 23, in this new featurette:  Watch the cast featurette: https://youtu.be/Z-ssi2F3iKg And get a glimpse of the colorful characters of Mutant Mayhem with these awesome new character posters: About Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem In Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem, after […]

  • TEMPORARY WORK STOPPAGE KONTRA KUMPANYA, INILABAS NG DOLE

    NAGLABAS  ng temporary work stoppage order ang Department of Labor and Employment Central Visayas (DOLE-7) laban sa food and beverages company  sa Mandaue City matapos mamatay ang isa nitong manggagawa habang naglilinis ng pulverizer machine.     Sinabi ni Marites Mercado, hepe ng Tri-City field office ng DOLE-7, na naglabas ng  work stoppage order laban […]