• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa direksyon ni Zig Dulay na naghatid ng ‘Firefly’: DENNIS, balik-MMFF din at bibida sa ‘Green Bones’ kasama si SOFIA

MMFF-bound muli ang GMA Network ngayong taon dahil kasama sa unang batch ng finalists sa Metro Manila Film Festival 2024 ang upcoming film ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na “Green Bones.”
Isa ang “Green Bones” sa mga inanunsyo nitong July 16 na kasama sa mga magtutunggali sa 50th year ng MMFF.  Pagbibidahan ito nina Kapuso Drama King Dennis Trillo at Kapuso young actress na si Sofia Pablo.
Ito ay sa direksyon ni Zig Dulay na siya ring nasa likod ng Best Picture “Firefly” na mula rin sa GMA Pictures at GMA Public Affairs.
Ang screenplay ng “Green Bones” ay mula kay National Artist Ricky Lee at MMFF 2023 Best Screenplay winner at GMA Public Affairs Senior Asst. Vice President Anj Atienza. Ang kuwento ay mula naman sa GMA Public Affairs Senior Program Manager na si JC Rubio.
Matatandaang umani ng papuri mula sa mga moviegoer at nag-uwi ng mga award sa loob at labas ng bansa ang “Firefly.”
(RUEL J. MENDOZA)
Other News
  • DALAGITA, NATAGPUANG PATAY SA ILALIM NG TULAY

    NAGSASAGAWA ng malalimang imbestigasyon ang Cavite police upang matukoy at maaresto ang pagpatay sa isang 16-anyos na dalagita na natagpuang patay sa ilalim ng tulay sa Trece Martires City, Cavite Lunes ng umaga.      Apat na mga kalalakihan ang persons of interest ng pulisya sa pagkamatay ng biktimang si “Angel”, 16, isang Grade 9 […]

  • Ads February 15, 2022

  • Taxi driver hinoldap ng pasahero, kinandado sa compartment

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 43-anyos na lalaki matapos holdapin ang isang taxi driver at ikandado pa sa compartment ng sasakyan sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang suspek bilang si Carlos Tamayo, resident ng Purok 5, San Agustin, Hagonoy, Bulacan.   […]