• August 31, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM sa Kongreso, aprubahan ang 2025 budget na may kaunting rebisyon

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga mambabatas na aprubahan ang executive-crafted National Expenditure Program (NEP) para sa taong 2025 sa kanilang ” usual timely manner” at umaasa na mayroon lamang na kaunti hanggang sa walang rebisyon o pagwawasto.
“We look to the cooperation of our colleagues in the legislature, not only that our proposed national budget be approved in your usual timely manner, but it be adhered to as closely as possible,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa sa Quezon City, araw ng Lunes.
Tinuran ni Pangulong Marcos na ang 2025 NEP ay ” crafted with utmost care, diligence, and meticulous attention.”
Nakatakda namang magsumite ang Department of Budget and Management (DBM) ng 2025 NEP sa Kongreso sa Hulyo 29.
“We expect all agencies to ensure that every centavo allocated will be judiciously spent for our urgent priorities and socially impactful programs,” ang sinabi ng Chief Executive.
Ang executive-crafted NEP ay dadaan sa ilang buwan ng pagrerebisa at rebisyon ng mga mambabatas, una ay sa mga kongresista at pagkatapos ay sa mga senador.
Ang spending plan ang siyang magiging basehan ng Congress’ General Appropriations Bill, na isusumite naman sa Pangulo para aprubahan, kadalasan ay bago matapos ang fiscal year.
Samantala, ang 2025 national budget ay nakapako sa P6.35-trillion, kung saan 10.1% na mas mataas kaysa sa budget ng bansa ngayong taon. (Daris Jose)
Other News
  • ‘Sabay tayo magbitiw sa Comelec’

    HINAMON ni Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon si commisioner Aimee Ferolino — kapwa humahawak sa disqualification case ni presidential candidate Bongbong Marcos at ponente nito — na mag-resign kasabay niya ngayong nadadawit sa kontrobersiya ang poll body.     Biyernes lang nang sabihin ni Guanzon na may “senador” sa likod ng “unreasonable delay” […]

  • Diskusyon sa joint exploration sa pagitan ng Pilipinas at ng Tsina sa West Philippine sea, nagpapatuloy

    HINDI tumitigil ang pag-usad ng pag- uusap na may kinalaman sa joint exploration sa pagitan ng Pilipinas at ng China sa West Philippine sea.   Sa katunayan, ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi ay may imbitasyon na silang inilabas para sa mga interesadong kumpanya na magtungo sa Pilipinas at mamuhunan sa exploration.   ” We […]

  • SHARON, nag-react sa ‘fake news’ na pinagkakakitaan ng mga vloggers sa YouTube

    SA latest IG post ni Megastar Sharon Cuneta, inamin na nagkakaroon pa rin siya ng sleepless night, na malamang dahil din sa stress.     Klinaro rin ni Mega na hindi lang siya nagbabakasyon sa Amerika, dahil nagtatrabaho rin siya.     Post niya, “Another sunrise after a night of no sleep…Is this still jetlag? […]