Manggagawa ng POGO, alis na- BI
- Published on July 25, 2024
- by @peoplesbalita
SINABI ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na lahat ng manggagawa ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) and Internet Gaming Licensees (IGLs) ay kinakailangan ng umalis sa bansa sa loob ng 60 na araw.
Ang hakbang ay bunsod sa direktiba ni President Ferdinand “Bong Bong” Romualdez Marcos, Jr.na ipagbawal na ang POGO sa panahon ng kanyang termino nitong ikatlong State of the Nation Address last July 22.
“Disguising as legitimate entities, their operations have ventured into illicit areas furthest from gaming such as financial scamming, money laundering, prostitution, human trafficking, kidnapping, brutal torture, even murder,” sinabi ng Pangulo.
Sinabi pa ni Tansingco na ang mga dayuhan na nagtatrabaho sa POGO at IGL at mga kahalintulad na service providers ay binibigyan ng 59 araw na huminto na sa kanilang ugnayan at umalis na ng bansa.
Inaasahan nila na tinatayang 20,000 na mga dayuhang manggagawa sa industriya na umalis na ng bansa sa susunod na dalawang buwan.
Ayon pa kay Tansingco na ang mga nakabinbin at mga bagong aplikasyon ng visa para sa POGO at IGL workers ay hindi na tatanggapin ng BI.
Sinabi pa ni Tansingco na mayroon silang listahan ng mga dayuhan na nagtatrabaho sa POGO at IGL na nagmula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Binalaan din niya ang mga lumalabag ay isasailalim sa deportasyon at inutusan ang intelligence division and fugitive search unit na arestuhin ang mga ito. GENE ADSUARA
-
Reynolds goes back to the past to meet his father, Ruffalo, in the upcoming film ‘The Adam Project’
TWO of the Marvel movies’ biggest stars, Ryan Reynolds and Mark Ruffalo, are teaming up for the upcoming film The Adam Project. Deadpool actor and MCU’s Hulk shared on their Instagram accounts some photos from the sci-fi film, where Reynolds goes back in time to seek the help of his 13-year-old self (Walker Scobell). Reynolds was the […]
-
Dismissed Bamban,Tarlac Mayor Alice Guo, naaresto sa Indonesia
TULUYAN nang naaresto ng mga otoridad sa Jakarta, Indonesia ang kontrobersyal na dismissed Mayor Bamban , Tarlac na si Alice Guo. Ito ang kinumpirma ni NBI Director Jaime Santiago, Miyerkoles Sept. 4. Napaulat na nakalabas ito ng Pilipinas noong buwan ng Abril kasama si Shiela Guo at Cassandra Ong. Iniuugnay […]
-
Citizen rights’ group nagbabala vs Konektadong Pinoy Act
Nagpahayag ng pagkabahala ang isang citizens’ rights network sa panukalang Konektadong Pinoy Bill, o Senate Bill 2699, at sinabing ang bill, sa kasalukuyang porma nito, ay may oversight gaps na maaaring magresulta sa hindi sinasadyang negatibong epekto sa mga Pilipino. Sa isang pahayag sa Facebook, sinabi ng CitizenWatch Philippines na nababahala ang organisasyon […]