• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang preno ang mga rebelasyon kay Korina… Chair LALA, nagselos noon kay CIARA at gusto ring mag-artista

RAIN or shine, tuloy-tuloy ang umaatikabong chikahan with Korina Sanchez-Roxas sa newest episode ng ‘Korina Interviews’ na pinalabas last Sunday, July 28.
Naka-one-on-one ng acclaimed broadcast journalist ang MTRCB Chairperson na si Lala Sotto sa isang in-depth interview about her life and career.
Wala ngang preno si Chair Lala sa kanyang mga rebelasyon.
True or false? Hindi nga ba normal ang kanyang childhood?
Nagselos nga ba siya kay Ciara Sotto? Sinagot ito ni Lala, na aminadong mommy’s girl.
At how true na madalas silang tumakas ni Ciara before? Saan naman sila nagpupunta?
Inamin din ni Lala na noong bata ay ginusto rin niyang mag-showbiz, pero naiba dahil parang alam na niya na pulitika ang landas na kanyang tatahakin.
“As a little girl, I wanted to be artista, pero nawala, growing up.  Biglang High School, gusto ko na talaga ng politics. As in set ako, gusto ko politics,” kuwento niya.
Dagdag pa niya, “I was eleven my dad (Tito Sotto) was Vice Mayor of Quezon City.  So, Senator siya when I was in High School.”
At ngayong MTRCB Chairperson na siya, she’s not expecting everyone to like her.
Sinabi niya hindi puwedeng mahina ang loob ang mamumuno sa MTRCB. Nagulat din siya nang ma-appoint bilang chairman.
Handang-handa rin daw siya sa posisyon, lalo na pampa-bash dahil hindi naman lahat at mag-a-agree sa kanilang desisyon.
Pero ultimately, isang Mamshie itong si Lala! At sa unang pagkakataon, she talk about being a mom plus may bonus pang words of wisdom!
Pinatikim din niya kay Korina ang favorite niya na kare-kare at gourmet tuyo, na kanyang niluto.
Na-enjoy namin ang chikahan ito sa ‘Korina Interviews’ kaya panoorin ang kabuuan sa YouTube channel ng NET25.
(ROHN ROMULO)
Other News
  • Store owner arestado sa ilegal na refilling ng LPG

    KALABOSO ang isang umano’y may-ari ng illegal liquefied petroleum gas (LPG) refilling station matapos maaresto sa isinagawang entrapment operation ng pulisya sa Valenzuela city, kamakalawa ng hapon.   Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong suspek na si Steven Joe Gervacio Lucas, 25, may-ari ng Marben Trading at residente ng Km 17, […]

  • Ads September 17, 2024

  • P1 fare hike hindi pinayagan ng LTFRB

    HINDI PINAGBIGYAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng mga grupo ng transportasyon na mabigyan sila ng P1 provisional minimum fare increase sa public utility jeepneys (PUJs).     Sinabi ni LTFRB executive director Maria Kristina Cassion na kanilang binigyan konsiderasyon ang assessment ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa […]