• August 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Makakalaban niya si VM Yul ‘pag natuloy… GRETCHEN, matunog pa rin ang pangalan na tatakbong Vice Mayor

SA isang umpukan ng mga kasamahang kagawad ay napadako ang usapan namin sa mga taga-showbiz na possible pumalaot sa pulitika.

 

 

Siyempre sa Maynila ay andyan at nag-iikot na sa Tondo anak ni Yorme Isko Moreno na si Joaquin Domagoso.

 

 

 

May mga pangalan pang lumutang pero hindi pa sila nagpaparamdam.

 

 

Isa sa matunog na pangalan na tatakbo raw bilang Vice Mayor ay ang aktres na si Gretchen Barretto. Makakalaban ng dating aktres kung sakali ay ang kasalukuyang bise alkalde at aktor na si Yul Servo.

 

 

İsa pa rin sa makakatapat ng dalawa ay si Ali Atienza na anak ng dating mayor na si Lito Atienza.

 

 

Si Yul ang bise ng incumbent mayor Honey Lacuna, Ali naman ang bise ng nagbabalik na si Yorme Isko Moreno at si Gretchen daw ay ka tiket ng isang independent candidate.

 

 

Matindi rin ang bakbakan para sa congressman, siyempre nangunguna pa rin sa survey si Cong. Ernix Dionisio ng first district.

 

 

***

 

 

PINAGPIPIYESTAHAN pa rin hanggang ngayon ang viral video ni Mark Anthony Fernandez.

 

 

Hindi pa man nakapagbigay ng paliwanag o reaksiyon ang aktor tungkol dito ay lumabas naman na meron din daw na mas interesting paanoorin.

 

 

Ito ay ang video scandal daw ni Aaron Villaflor.

 

 

Sabi nga may lumabas na meme na puro kayo Mark Anthony Fernandez, hindi n’yo pa nakikita ‘yung kay Aaron Villaflor?

 

 

Ano yun?

 

 

Ano nga na ang meron kay Aaron? Mas kagulat-gulat kaya ito kaysa ginawa ni Mark?

 

 

Ang kulang lang siguro ay may showbiz family tree si Mark na wala si Aaron.

 

 

Teka, nasaan na ba si Aaron? Relevant pa ba siya? Baka kaya may something?

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Tumigil na rin sa pag-iinom at paninigarilyo: BILLY, nilinaw na hindi droga ang dahilan ng pagpayat

    “HINDI po ako adik!”   Iyan ang bulalas ni Billy Crawford bilang paglilinaw sa mga kumakalat na fake news tungkol sa rason ng pagpayat niya.     Ayon pa kay Billy, “I’m living my life to the fullest right now.”     Noon pa raw siya naiisyuhan tungkol sa kanyang itsura.     “It’s a […]

  • 3 months ‘interval’ sa booster shot, ok – DOH

    Irerekomenda ng vaccine expert panel ng Department of Health (DOH) sa Food and Drug Administration (FDA) na paiksiin ang pagitan na buwan sa tatlong buwan na lamang sa pagkuha ng booster shot kontra COVID-19.     Inihayag ito ni Health Secretary Francisco Du­que III makaraan ang pagkakadiskubre sa dalawang kaso ng Omicron variant sa bansa. […]

  • Clark International Airport bubuhusan ng P46 billion na pondo

    BUBUHUSAN ng P46 billion ang Clark International Airport (CIA) upang gamitin sa isang development plan mula sa mga pangunahing kumpanya ng mga airlines kasama ang pamahalaan bilang isang paliparan na may lumalaking ekonomiya sa Central Luzon upang maging isang preferred gateway sa Luzon.         Ayon pamahalaan at mga executives ng mga airlines […]