• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa pag-amin na walang master plan sa flood control projects… Ilang matataas na opisyal ng DPWH, pinagbibitiw

PINAGBIBITIW sa puwesto ng ilang sektor ang ilang matataas na opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa pag-amin nito na walang Flood Control master plan ang departamento upang mapigilan ang pagbaha sa kalakhang Maynila at ibang parte ng bansa tuwing may malakas na ulan o bagyo.

 

 

 

Bunsod ito sa pag-amin ni DPWH secretary Manuel Bonoan sa isang Senate hearing na walang integrated national flood control plans ang ahensya samantalang may bilyon-bilyon pisong pondo ito para sa iba’t ibang infrastructure projects, kasama na rin ang flood control projects.

 

 

 

Hiniling na rin ng mga sektor na naapektuhan ng malawakang pagbaha na mag-implementa ng isang flood control system sa Metro Manila at karatig bayan.

 

 

 

Inireklamo rin ng ilang grupo ang pagkakatalaga sa isang Assistant Secretary bilang officer-in-charge kapalit ng isang nagretiro.

 

 

 

Napag-alaman din na may nakalaaang pondo na mahigit isang bilyong piso para sa mga imprastrakturang gagawin sa nasabing mga rehiyon.

 

 

 

Ilang qualified government engineers naman ang karapat-dapat sa nasabing puwesto subalit isa lamang ang pinaburan dito na umano’y malapit na kaibigan ng mga matataas na opisyal ng DPWH.

 

 

 

Ang DPWH ay may nakalaang P225 bilyon pisong pondo para sa 2024 national budget, kasama na rito ang pagsasagawa at pagkumpuni ng mga nasirang flood control projects sa bansa dulot ng mga malalakas na bagyo.

 

 

 

Sa isang senate hearing, inamin ng DPWH na wala pang 30 porsiyento na flood control project ang nakumpleto nito sa loob ng dalawang dekada.

 

 

 

Sa pagdinig sa Senado, sinabi pa rin ni Bonoan na mahigit 5,000 flood control projects na ang naisagawa ng ahensya subalit hindi matukoy ang dahilan kung bakit patuloy pa rin ang malawakang pagbaha sa National Capital Region, Bulacan at Pampanga.

 

 

 

Si DPWH undersecretary Robert Bernardo ay ang Flood Control project supervisor para sa NCR, at Central Luzon at si DPWH undersecretary Cathy Cabral naman na in-charge sa Planning and Public-Private Partnership Service ay isinisisi ang pagbaha sa mga basura na naiipon sa mga waterways. GENE ADSUARA

Other News
  • Kai Sotto posibleng sa susunod pa na taon makakasama ng Gilas Pilipinas

    HINDI makakasama ng Gilias Pilipinas si Kai Sotto sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers na magsisimula sa Pebrero 24.     Ayon kay Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio na mayroong pang mga commitment ang 19-anyos na si Sotto sa Australia kung saan naglalaro ito bilang import ng Adelaide 36ers sa National […]

  • Sa 7th birthday ng bunso na si Luna: JUDY ANN, nakita na rin si GLADYS after five years at nag-Tiktok pa

    KAYBILIS ng panahon, pitong taon na ang bunsong anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Luna Agoncillo.     At dahil itinuturing na milestone ang edad na pito ng isang bata, isang masayang children’s party ang ginanap sa Dreamplay sa Parañaque kung saan nag-enjoy ang mga bisita, bata man  o matanda sa masayang […]

  • Layuning turuan at itaas ang kamalayan ng publiko: BARBIE, kasama na sa “Stream Responsibly. Fight Piracy.” campaign

    OPISYAL nanumpa si Maria Clara at Ibarra lead star and Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza bilang isa sa mga ambassadors ng GMA Network para sa Anti-Piracy campaign “Stream Responsibly. Fight Piracy.” “It is such a responsible campaign to be part of. Being an artist myself, it is important to have and to be part of campaigns like this. […]