Let the games begin! AARANGKADA na ang tinaguriang ‘the biggest show on earth’ tampok ang matitikas na atleta mula sa iba’t ibang mundo na magbabakbakan sa 2024 Paris Olympics.
- Published on July 27, 2024
- by @peoplesbalita
Isang engrandeng palabas ang inaasahang ilalatag ng host France sa programang magsisimula sa alas-7:30 ng gabi (ala-1:30 ng madaling araw sa Maynila).
Ito ang unang pagkakataon na idaraos ang opening ceremony ng Olympic Games sa labas ng isang Olympic stadium dahil gaganapin ito sa pamosong Seine River.
Aabangan ng sambayanan ang pagmartsa ng Team Philippines na pangungunahan nina Tokyo Olympics silver medalists Nesthy Petecio at Carlo Paalam na magsisilbing flagbearers ng delegasyon.
Susuotin ng mga atleta at opisyales ang magandang barong na idinisenyo ng kilalang designer na si Francis Libiran.
Tinawag itong ‘Sinag’ na may disenyo ng bandila ng Pilipinas.
“Every element of the design showcases the rich cultural heritage of the Philippines,” ayon sa post ni Libiran sa kanyang social media.
Kasama sa parada sina Aira Villegas at Hergie Bac-yadan ng boxing, Lauren Hoffman at John Cabang Tolentino ng athletics, Kayla Sanchez at Jarrod Hatch ng swimming, Aleah Finnegan ng gymnastics at Samantha Catantan ng fencing.
Ilang miyembro ng Team Philippines ang hindi makakasama sa parada kabilang na sina Eumir Felix Marcial ng boxing, Carlos Yulo ng gymnastics at Joanie Delgaco ng rowing.
Magpapahinga sina Marcial, Yulo at Delgaco dahil sasabak na agad ang mga ito sa unang araw ng kumpetisyon sa Hulyo 27.
Wala rin sa opening ceremony si EJ Obiena ng pole vault gaundin sina Vanessa Sarno, John Febuar Ceniza at Erleen Ann Ando ng weightlifting.
Ang iba pang miyembro ng Team Philippines ay sina Emma Malabuyo at Levi Ruivivar ng gymnastics, Bianca Pagdangan at Dottie Ardina ng golf, at Kiyomi Watanabe ng judo.
Isang magarbong palabas ang inihanda ng France para sa bilyong manonood ng opening ceremony mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Aabangan din ang makukulay na fireworks sa huling bahagi ng palabas at ang pagbubukas ng Olympic flame na magsisilbing hudyat ng opisyal na pagsisimula ng palaro.
-
Chinese National na nanampal sa traffic enforcer , kulong ng BI
INARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national na nag-viral sa social media matapos na sampalin nito ang isang miyembro ng Manila traffic enforcer na umaresto dahil sa traffic violation. Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, si Zhou Zhiyi, 50 ay kasalukuyang nakakulong sa Bicutan, Taguig City matapos siyang arestuhin […]
-
SSS, may bagong retirement savings scheme sa mga miyembro
INILUNSAD ng Social Security System (SSS) ang Worker’s Investment and Savings Program (WISP) Plus, ang pinakabagong retirement savings scheme para sa mga miyembro ng SSS. Sa press briefing, sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Michael G. Regino na ang WISP Plus ay isang voluntary retirement savings program na eksklusibong laan para […]
-
‘Smile 2’ is set to deliver even more intense horror to the big screen—in its full uncut g(l)ory.
GET ready for another round of spine-chilling thrills as Smile 2 hits Philippine cinemas uncut on October 16, 2024. After the massive success of the first Smile movie in 2022, which raked in $217 million at the global box office, the highly anticipated sequel is back with more terrifying moments, a larger scale, and […]