• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nakipagpulong kay Blinken, Austin; pinuri ang PH-US alliance sa WPS

PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang yumayabong na alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos sa patuloy na katatagan sa West Philippine Sea (WPS) at Indo-Pacific region.

 

 

 

 

Inihayag ito ng Pangulo, Martes ng umaga nang makapulong niya si US Secretary of State Antony Blinken at US Defense Secretary Lloyd Austin III sa Palasyo ng Malakanyang, bago pa ang foreign and Defense Ministerial Dialogue (2+2) ng dalawang bansa.

 

 

“I am always very happy that these communication lines are very open, so that all the things that we are doing together in terms of our alliance, in terms of the specific context of our situation here in the West Philippine Sea and in the Indo Pacific are continuously examined and reexamined so we are agile in terms of our responses,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“But we are very happy to see you once again,” he said. “I’m a bit surprised, considering how interesting your political situation has become back in the States, but I’m glad that you found the time to come and visit with us,” aniya pa rin.

 

 

Kapwa pinasalamatan naman ni Blinken at Austin si Pangulong Marcos para sa mainit na pagtanggap sa kanila at pinaabot ang kanilang pakikidalamhati sa mga naging biktima ng bagyong Carina at pinalakas na southwest monsoon na kamakailan lamang ay humagupit sa capital region at karatig-lugar.

 

 

Muli namang inulit ni Blinken ang kahandaan ng Washington DC na magbigay ng kinakailangang tulong sa Maynila.

 

 

Aniya, ang nalalapit na 2+2 meeting ay “genuinely historic” at katibayan ng “steady drumbeat of very high level engagements” sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos daklaw ang ‘full range of issues and opportunities.’

 

 

Samantala, sinabi naman ni Austin na isang pamilya ang Pilipinas at Estados Unidos.

 

 

“It always feels that way when I’m working with our colleagues. You know, we have common interests, common values, and so I think we’ve done a lot over the last three and a half years to continue to strengthen our alliance, and we look forward to continuing to work with you and your team to move even further,” ayon kay Austin.

 

 

“Thanks for your leadership, Mr. President, again, it’s been, it’s been a great three and a half years, and I look forward to another three and a half or another four (years) in building, building, strengthening this relationship,” dagdag na wika nito.

 

 

Sa kabilang dako, nakatakdang makipagpulong sina Blinken at Austin sa kanilang mga Filipino counterparts na sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Defense Gilberto Teodoro Jr.

 

 

Samantala, ang naging pagbisita nina Blinken at Austin ay matapos na banggain ng Chinese ships at bombahin ng tubig o gamit an ng water cannon ang Filipino vessels at crew members sa Ayungin Shoal sa WPS, kung saan nais lamang ng Pilipinas na magsagawa ng resupply sa outpost nito sa nakasadsad na BRP Sierra Madre.

 

 

Umabot na ang tensyon nang salakayin ng mga Chinese sailors noong nakaraang buwan ang isang Filipino boat, nasamsam din ng mga tropa ng tsino ang mga baril ng Philippine Navy nanng sumakay sila sa isa mga inflatable boat.

 

 

Hindi naman bababa sa 8 mandaragat ng Philippine Navy ang nasugatan matapos ang mga sasakyan pandagat ng China ay naghangad na itaboy ang kanilang mga barko sa isang rotation at resupply mission sa Ayungin Shoal sa WPS.

 

 

Kabilang dito ang isa na naputol ang daliri dahil nasugatan sa isang komprontasyon sa mga puwersang tsino na bumangga at hinila ang kanilang inflatable boat habang sinusubukan nilang marating ang grounded warship na BRP Sierra Madre. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Bagong Pantasya ng Bayan’ na si AJ, mas daring sa erotic thriller na ‘Taya; sexy scenes nila ni SEAN, mapangahas

    MULA sa dalawang VIVAMAX hit movies na Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar at Death of a Girlfriend, isang daring na role na naman ang gagampanan ng Bagong Pantasya ng Bayan na si AJ Raval sa  pinakabagong psychedelic erotic thriller Vivamax Original ang TAYA.              At mula naman sa Anak ng Macho Dancer, […]

  • DSWD tatapusin ang bigayan ng ayuda sa mga rice retailers sa Sept. 14

    NAIS ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na agad na matapos ang pamamahagi ng cash grants para sa mga  rice retailers.     Sa isang press briefing sa Malakanyang, sinabi ni  Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian na layon ng gobyerno na tapusin ang distribusyon ng P15,000 cash grants sa mga rice retailers […]

  • Inter-agency council, binuo para tukuyin ang government lands na angkop para sa mass housing

    LUMIKHA ang national government ng isang Inter-agency Coordinating Council na mangangsiwa sa ‘accounting’ at paglikha ng master’s list ng government lands na maaaring gamitin para sa mass housing.     Sinabi ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Jose Rizalino Acuzar na ang naturang hakbang ay bahagi ng intensyon ng pagpapalabas ng Administrative […]