• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Confidential and Intelligence Funds, bumaba ng 16% sa panukalang 2025 national budget -DBM

BUMABA ng 16% ang confidential and intelligence funds (CIFs) sa panukalang 2025 national budget kumpara sa alokasyon nito sa 2024 General Appropriations Act (GAA).

 

 

 

 

Sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman na inaprubahan ng DBM ang kabuuang P10.29 billion (B) budget para sa CIFs, kung saan ang P4.37B ay inilaan para sa Confidential Expenses at P5.92B para naman sa Intelligence Expenses.

 

 

Sa 2024 GAA, ang CIF ay binigyan ng P12.38B allocation.

 

 

“Bumaba po ng 16% ang allocation para sa confidential and intelligence funds sa 2025 NEP kumpara sa alokasyon nito sa 2024 GAA,” ayon sa Kalihim.

 

 

Sinabi pa ni Pangandaman na nakatanggap ang DBM ng kabuuang CIF budget proposal na P11.39 billion mula sa iba’t ibang ahensiya, P5.22B ay para sa CF at P6.17B para naman sa IF.

 

 

Binigyang diin ni Sec. Pangandaman na ang mga ahensiya ay kinakailangan na sundin ang guidelines sa paggamit ng CIFs. (Daris Jose)

Other News
  • After na magsulat ng sariling screenplay: BEAUTY, nasa plano ang pagdidirek ng isang drama movie

    WALANG isyu kay Baron Giesler kung hindi papalitan ng anak niya kay Nadia Montenegro na si Sophia Asistio ang kanyang apelyido nito.     Alam naman din ng publiko na siy ang tunay na tatay ni Sophia.     Hindi rin naman itinanggi ni Baron na nag -uusap din daw naman sila ni Nadia at […]

  • Football star Cristiano Ronaldo nabasag ang all-time FIFA record career goal

    NAGTALA ng all-time FIFA record si Manchester United superstar Cristiano Ronaldo matapos maitala nito ang kaniyang 806th career goal sa Old Trafford.     Dahil dito ay nabasag nito ang all-time record para sa most goals sa competitive matches sa kasaysayan ng men’s football.     Ito ang pangalawa sa tatlong goals ng Portuguese attacker […]

  • Robredo natuwa sa muling paglipat sa kanila ng ex-Isko Moreno supporters

    POSITIBO ang naging pagtanggap ng kampo nina 2022 presidential candidate at Bise Presidente Leni Robredo sa pag-endorso sa kanila ng iba pang nasa liderato ng Ikaw Muna (IM) Pilipinas, na dating sumusuporta sa kandidatura ng katunggaling si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.     Martes lang kasi nang ilipat nina Tim Orbos at Elmer […]