• August 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Biden, nagpaabot ng pakikidalamhati sa mga biktima ng Carina, Habagat sa Pinas

NAGPAABOT ng kanyang pakikidalamhati si United States President Joe Biden sa mga Filipinong nawalan ng mahal sa buhay o nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Carina at Southwest Monsoon (Habagat).

 

 

 

 

Ipinaabot ni Biden ang kanyang mensahe kay US Secretary of State Antony Blinken sa joint courtesy call nila ni Defense Secretary Lloyd Austin kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes.

 

 

“Let me just start by sending our deepest condolences to all the victims of the recent typhoon and to say again, anything we can do to be of assistance, we welcome doing that,”ang sinabi ni Blinken kay Pangulong Marcos.

 

 

“Thirty-nine people reportedly died due to the Habagat and tropical cyclones Carina and Butchoy,” ayon naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

 

 

Sa kabilang dako, nagpaabot din ng kanyang pakikidalamhati si Austin para sa mga labis na naapektuhan ng masamang panahon at malawakang pagbaha na idinulot sa maraming lugar sa Luzon.

 

 

“And I’ve said a number of times that we’re more than allies, we’re family and it always feels that way when, you know, I’m working with our colleagues,” ayon kay Austin.

 

 

Pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang US government para sa pagpapaabot ng kanilang pakikidalamhati sa Filipino community.

 

 

Muli namang ni-renew ni Pangulong Marcos ang commitment ng Pilipinas para palakasin ang working relationship sa Estados Unidos.

 

 

“We are very happy to see you once again. I’m a bit surprised considering how interesting your political situation has become back in the States, but I’m glad that you found the time to come and visit with us,” ang tinuran ni Pangulong Marcos.

 

 

Samantala, sinabi naman ni Blinken na sila’y “very, very pleased” na bisitahin ang Pilipinas at ipaabot ang mainit na pagbati Biden at US Vice President Kamala Harris.

 

 

Sina Blinken at Austin ay nasa Pilipinas para sa 4th Philippines-US Foreign and Defense Ministerial Dialogue (2+2 Dialogue), na hinost ng Pilipinas para sa kauna-unahang pagkakataon.

 

 

Ang mga nakalipas na pagpupulong ay idinaos sa Washington DC.

 

 

Sa naturang courtesy call kay Pangulong Marcos, sinabi ni Austin na ‘looking forward’ ang Estados Unidos na palakasin ang bilateral relationship nito sa Pilipinas sa susunod na apat na taon, bago pa ang November elections. (Daris Jose)

Other News
  • Galit na galit dahil sa pang-iiwan daw kay Enrique: LlZA, winarningan ang netizen na nag-wish na may masamang mangyari sa kanilang pamilya

    HINDI pinalampas ni Liza Soberano ang isang basher na kung saan nagwi-wish na may mangyaring masama sa kanya, pati na sa kanyang kapatid at ama.       Nagbabala si Liza sa netizen na dapat ay maging careful ito sa sinasabi sa ibang tao.       Sumagot nga si Liza sa isang fake account […]

  • MATTHEW PERRY, walang masyadong energy at may kakaiba sa pagsasalita sa reunion ng ‘Friends’

    MARAMING fans nakapanood ng Friends: The Reunion ang worried sa kalusugan ng cast member na si Matthew Perry.     Si Matthew ang gumanap sa role na Chandler Bing sa Friends.     Napansin ng marami ang pag-slur nito kapag nagsasalita at tila wala siyang masyadong energy considering na siya ang pinakanakakatawa sa buong cast. […]

  • Concert tour ng ‘Iconic’, tuloy na sa July: SHARON, super excited na nag-post at sinabing masosolo na si REGINE

    SUPER excited nga na pinost ni Megastar Sharon Cuneta ang poster ng concert tour nila ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na sa wakas ay matutuloy na sa July 2022     Caption ni Mega, “NANAAAA!!! @reginevalcasid Masosolo na kita abroad sa wakas! I miss you and I love you.     “Get ready North America! “We are […]