• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P70-B, inilaan para sa unang dalawang tranches ng umento sa sahod ng mga gov’t employees

IPINANUKALA ng gobyerno ng Pilipinas ang budget na P70 billion para sa una at pangalawang tranches ng umento sa sahod para sa mga empleyado ng gobyerno.
“Iyong 70 billion po para sa adjustment na iyan ng first tranche at saka second tranche for next year kasi gusto po natin simulan na this year iyong first tranche noong ating salary increase,” ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman.
Aniya, ang first tranche ng umento sa sahod ay magiging epektibo ng Enero 2024 at ipatutupad ng ‘retroactive.’
“So, iyon po four tranches hanggang 2027 and as of now po, we are perfecting the executive order po and we are hoping po for the issuance of the executive order soon po,” ayon kay Pangandaman.
Nauna rito, inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panibagong salary increase para sa government workers sa kanyang pangatlong State of the Nation Address noong nakaraang linggo.
Sinabi rin nito na ang government employees ay makatatanggap ng medical allowance.
“Para naman sa ating mga kawani sa gobyerno, meron silang maaasahang medical allowance bilang karagdagang benepisyo sa susunod na taon,” ayon sa Pangulo.
“At hindi lamang yon, meron ding napipintong umento sa suweldo na makukuha nila sa apat na tranche,” ang Winika pa rin ng Chief Executive.
Tinuran ni Pangandaman, P9.6 billion ang inilaan para sa medical allowance ng mga government workers para sa taong 2025.
“P7,000 each employee po. Wala po kaming ano eh. Sa executive po, noon pong pumasok po ako, matagal na, pero galing ako sa Senate. So, iyong may mga fiscal autonomy, they provide. So, pagdating ko po sa executive, napansin ko, parang wala po kaming medical allowance o HMO, so hindi po kami nakakapagpa-checkup, at least iyong blood test and all.  Tapos, ER wala rin kaming access sa ganoon. So, we pay for it or maybe PhilHealth po. But, I think, this is a nice add to the benefits and allowances na mayroon po ang mga empleyado,” ang litanya ng Kalihim.
(Daris Jose)
Other News
  • COA, isiniwalat ang mahigit P37.1 milyong halaga ng mga relief goods na nanatiling hindi naipamahagi at naaksaya

    ISINIWALAT  ng COA na mayroong mahigit P37.1 milyong halaga ng mga relief goods na nanatiling hindi naipamahagi at naaksaya.     Sa 2022 audit nito sa Disaster Risk Reduction Management (DRRM), sinabi ng COA na ang pag-iimbak at napapanahong pamamahagi ay naging pangunahing alalahanin sa nakalipas na dalawa hanggang walong taon.     Sa pagbanggit […]

  • Cariaso mananatili sa Converge

    MANANATILI  sa Converge ang coaching staff ng Alaska Aces sa oras na simulan ang kampanya nito sa PBA Season 47.   Kabilang sa mga mananatili si Aces head coach Jeffrey Cariaso kasama sina Joe Silva, Danny Ildefonso at Franco Atienza.     Nais ni team governor at dating PBA commissio­ner Chito Salud na maka­buo muna […]

  • Pinakabagong resulta ng OCTA Research survey, ikinatuwa ng Malakanyang

    IKINATUWA ng Malakanyang ang pinakabagong resulta ng OCTA Research December 2021 Tugon ng Masa National Survey, na nagbibigay diin sa dalawang mahalagang puntos.     Tinukoy ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang pagbaba sa 5% ng COVID-19 vaccine hesitancy sa mga adult Filipino at tanging 2% lamang ng adult Filipino ang […]