• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd, target na ayusin ang performance ng 8 milyong estudyante para sa 2025 PISA

SINABI ni Education Secretary Sonny Angara na dapat na tutukan ng Department of Education (DepEd) ang performance ng 8 milyong mag-aaral at stakeholders nito sa paghahanda para sa Programme for International Student Assessment (PISA) para sa susunod na taon.
Sinabi ng Kalihim na ang kanyang “immediate goal” sa pag-upo sa DepEd ay iangat ang performance ng bansa sa susunod na PISA, nakatakdang isagawa sa March 2025.
“Tulungan niyo po ako sana do’n dahil ‘yung Grades 7, 8, 9, 10, mga 8 million lang naman ‘yan eh na kailangan natin tulungan. ‘Yung iba diyan walang computer, ‘yung iba diyan hindi nag-almusal, ‘yung iba diyan pagod na pagod maglakad, naka-tsinelas lang,” ang sinabi ni Angara sa education stakeholders.
“You know, these are the things that we have to deal with on the ground. But with you, again, there is hope amidst misery. There is so much hope, there is so much action, and pretty soon there will be results,” aniya pa rin.
Nauna rito, pinangunahan ni Angara ang paglulunsad ng Brigada Pagbasa Partners Network (BPPN), naglalayong i-mobilize ang mahigit sa milyong literacy advocates sa 2040, at tulungan ang 10 milyong Filipinong mag-aaral na magbasa sa kanilang angkop na antas.
Sa 2022 PISA results, ang Pilipinas ay nasa rank na pang-anim sa pinakamababa sa hanay ng 81 bansa at ekonomiya na nagpartisipa sa pag-aaral, patuloy kasing napag-iiwanan ang mga Filipinong mag-aaral sa pagbabasa, matematika at agham.
Noong nakaraang linggo, sinabi ni Angara na inirekumenda niya ang pagpapahusay sa performance ng mga estudyante ng Filipino sa PISA, alinsunod ito sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang iskor ng Pilipinas sa local at international tests. (Daris Jose)
Other News
  • Binalikan ang ‘yatch date’ na promo ng movie: SAM, ‘di nagkamali sa pagsasabi noon na sisikat si ALDEN

    SAKSI kami sa naging yacht date noon nila Alden Richards at Sam Pinto.     Nangyari iyon noong 2011 at magkasama sina Alden at Sam sa pelikulang ‘Tween Academy: Class of 2012’ ng GMA Films.     Nabanggit kasi sa isang interview ni Alden na isa sa crushes niya during that time ay si Sam […]

  • 3 drug suspects isinelda sa P90K shabu sa Caloocan

    MAHIGIT P90,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong hinihinalang drug personalities matapos matimbog sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas “Topher”, 27, (pusher) ng Brgy. 120, alyas “Junior”, 42 ng 10th […]

  • 6 na malalaking proyekto ng pamahalaan, inaprubahan sa pulong sa Malakanyang

    UMAABOT sa anim na malalaking proyekto ng pamahalaan ang inaprubahan sa ginanap na National Economic and Development Authority (NEDA) board meeting sa Malacanang.     Kabilang dito ang P11.42 billion Philippine Fisheries and Coastal Resiliency o FISHCORE project ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).     Layunin nitong paghusayin ang pangangasiwa ng fishery […]