• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ensayo ng PBA tuloy na sa pagbabalik sa GCQ level sa NCR

Wala ng makakapigil pa sa mga koponan sa PBA na magpatuloy ng kanilang ensayo sa susunod na linggo.

 

Kasunod ito sa pagbabalik ng Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ).

 

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, na sa darating na Agosto 25 ay posibleng maisagawa na ang mga ensayo.

 

Mahigpit din nilang ipapatupad ang health protocols na gaya ng nakasaad sa Joint Administrative Order (JAO) na pirmado ng Department of Health (DOH), Games and Amusement Board (GAB) at Philippine Sports Commission (PSC).

 

Kailangan din aniyang sumailalim ang mga koponan sa COVID-19 swab testing na ito ay gaganapin sa Makati Medical Center mula Agosto 20-21.

 

Sakaling magpositibo ang mga ito sa COVID-19 ay kailangan silang sumailalim sa quarantine.

Other News
  • Ads March 1, 2024

  • Pacquiao-Spence tagilid!

    Posibleng hindi matuloy ang inaabangang mega fight sa pagitan nina eight-division world champion Manny Pacquiao at World Boxing Council (WBC) and International Boxing Fe­deration (IBF) welterweight champion Errol Spence Jr.     Nagsampa ng demanda ang Paradigm Sports dahil sa breach-of-contract ng Pinoy champion sa ahensiya.     Humihiling ang Paradigm Sports na ibalik ni […]

  • PBBM, nangakong palalawigin ang medical at nursing education programs

    NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palalawigin nito ang medical at nursing education programs para tumulong na tugunan ang kakapusan ng  healthcare workers sa bansa dahil sa migration o pandarayuhan.     “To address the current shortage of healthcare professionals in our country, and to help us achieve our goal of universal healthcare, […]