• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kamara magbibigay ng P3-M kay Carlos Yulo matapos masungkit ang gold medal sa Paris Olympics

MAGBIBIGAY ng P3 milyong reward ang House of Representatives (HOR) kay Carlos Yulo dahil nasungkit nito ang gold medal sa 2024 Paris Olympics.

 

 

 

 

Ito ang kinumpirma ni House Committee on Appropriations Chairman at Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co.

 

 

” In recognition of his historic accomplishment, the House of Representatives is honored to award Carlos Yulo P3,000,000. This reward reflects our support for his continued success and our commitment to fostering Filipino talent on the international stage,” pahayag ni Cong. Zaldy Co.

 

 

Ayon sa Kongresista ipinakita ni Yulo ang kanyang dedikasyon at hard work para mabigyan ng puri ang ating bansa.

 

 

Dagdag pa ni Co, ipinakita ni Yulo ang kaniyang determinasyon and resilience na kaya ng mga Filipino mag excel at makamit ang kadakilaan sa anumang larangan.

 

 

Napatunayan ni Yulo na kaya ng mga Pinoy makipagsabayan sa buong mundo.

 

 

“Siya ay isang inspirasyon sa lahat ng kabataan at sa mga nangangarap. Siya ang patunay na kapag may sipag at tiyaga, walang imposible,” pahayag ni Co.

 

 

Si Yulo ang kauna-unahang Filipino gymnast na naka sungkit ng gold medal sa men’s floor exercise sa 2024 Paris Olympics na ginanap sa Bercy Arena.

 

 

Siya rin ang naging unang medalist sa kampanya ng Pilipinas sa Paris, at ang pangalawang gold medalist mula sa bansa kasunod ng weightlifter na si Hidilyn Diaz na nanalo ng gintong medalya para sa weightlifting sa 2020 Tokyo Olympics.

 

Inihayag naman ni Yulo na ang kanyang panalo ay inaalay niya ito sa sambayanang Filipino. (Vina de Guzman)

Other News
  • 20.6 milyong COVID-19 vaccines, nasayang – DOH

    MAHIGIT sa 20 milyon na donasyon at nabiling COVID-19 vaccines doses sa Pilipinas ang nasayang.     Sinabi ni Health Under­secretary Carol Tanio sa pagdinig ng Senate committee on Health demography ni Senador Bong Go, na kabuuang 20,660,354 bakuna kontra COVID ang nasayang hanggang nitong Agosto 12.     Paliwanag ni Tanio, 6% nito ang […]

  • Obiena tumangging makipag-ayos sa PATAFA

    TINANGGIHAN na ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena ang alok ng Philippine Sports Commission (PSC) na pakikipag-ayos sa Philippine Athletics and Track and Field Association (PATAFA).     Sa kanyang social media, pinasalamatan ni Obiena si PSC Chairman Butch Ramirez na siyang tumayong maging tagapag-ayos.     Naniniwala ito na ang pakikipag-ayos ay isang paraan […]

  • Kinilig ang netizens sa sweet birthday message… DOUG, proud kay CHESCA sa pagiging hands-on mom

    KINILIG ang netizens sa pinost na sweet birthday message ni Doug Kramer sa kanyang wifey na si Chesca Garcia-Kramer.     Marami ang naiinggit sa Team Kramer, hindi lang dahil sa marami silang endorsements, kundi sa pagiging happy family nila.       Parating kasama nina Doug at Chesca ang kanilang mga anak na sina […]