Ilang beses nang plinano pero hindi natutuloy…. JERALD, inabot ng sampung taon bago nakapag-propose kay KIM
- Published on August 13, 2024
- by @peoplesbalita
MAY forever pa rin!
Aba e, makalipas ang sampung taon ng kanilang relasyon, nag-propose na si Jerald Napoles kay Kim Molina.
At ang nakatutuwa pa, naganap ang engagement ng magsing-irog sa loob mismo ng PETA (Philippine Educational Theater Association) Theatre Center kung saan sila unang nagkita at nagkakilala.
Sa mga litrato ng dalawa na naka-post na sa social media, makikita si Jerald na nakaluhod habang nagpo-propose kay Kim, with matching sunflowers at fairy lights na background.
At siyempre naman, kitang-kita rin sa kanilang mga litrato ang tears of joy ni Kim dahil magiging Mrs. Napoles na siya.
Akala pala ni Kim ay mag magaganap lamang na pictorial, hindi niya akalain na aalukin na siya ng kasal ni Jerald, proposal na matagal na palang plano ni Jerald.
Bahagi ng speech ni Jerald para sa nobya at soon-to-be misis, “On this stage, exactly ten years, two months, and five days ago, we met for the first time without knowing each other.
“Saudi girl and Tondo boy, nag-duet agad tayo nang hindi man lang tayo nag-uusap, doon tayo nagkakilala.
“So this stage gave me a lot of things in my life.
“Progress, dreams, goals, career, a name [in the showbiz industry], family, friends, newfound friends, and of course, special someone.
“Pasensiya na kung sampung taon ang inabot.
“Pinahilom lang siguro ng panahon, marami rin kasi tayong challenges kaya hindi rin matuluy-tuloy.
“I’ve been planning to do this last year, supposedly on your birthday, but due to circumstances, hindi natuloy.
“And then I’ve planned to do this also on Christmas… and sa Coldplay concert kaso nagka-LBM ka, so hindi rin natuloy.
“The final plan was supposedly kung natuloy tayo sa Europe… mas intimate sana kung tutuusin.
“Baka dito talaga itinadhana kung saan tayo nagsimula, kung saan mas sincere, actually, kung dito.
“Maraming-maraming salamat sa lahat ng pagmamahal na ibinigay mo.
“Salamat sa pagsama sa akin sa loob ng sampung taon at sana magtuluy-tuloy pa.”
Matapos ang kanyang speech ay dito na lumuhod si Jerald at binitiwan ang napakahalagang katanungang, ‘Will you marry me?’, na umiiyak na sinagot ni Kim ng ‘Yes!’
At natatandaan mo ba my dear editor Rohn Romulo, magkasama tayo na nag-interbyu many years ago kay Jerald sa isang restaurant (saan na nga ba iyon?, ’Taste of L.A. Cafe’) noong mga panahong halos baguhan pa lamang si Jerald sa showbiz at alaga pa siya ng kaibigan nating si Rams David?
How time flies…
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Lead physician ni PBBM na si Dr. Zacate, bagong hepe ng FDA
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang lead physician na si Dr. Samuel Zacate, bilang pinuno ng Food and Drug Administration (FDA). Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na kuwalipikado si Dr. Zacate sa nasabing posisyon at walang kinalaman ang pagiging lead doctor nito kay Pangulong Marcos para italaga siya bilang bagong […]
-
Gobyerno, transparent sa human rights situation ng Pilipinas
BUKAS ang gobyerno ng Pilipinas na pag-usapan ang situwasyon ng karapatang-pantao sa bansa. At ito’y may sapat na kakayahan para tugunan ang mga paglabag. Ito ang sinabi ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) executive director Undersecretary Paul Gutierrez kasabay ng pagtatapos ng 10-day visit ng United Nations (UN) Special […]
-
Nagulat pero thankful sa nagsasabing bagay sa kanya: ANDREA, umaming dream role niya ang ‘Dyesebel’ ever since
NAGSIMULA sa bulung-bulungan at haka-haka, kaya minabuti naming tanungin nang diresto si Andrea Brillantes kung totoo ba na siya ang gaganap sa remake ng ‘Dyesebel’, ang classic na obra maestra ni Mars Ravelo tungkol sa isang magandang sirena. “Actually, nagulat lang din po ako, nakita ko lang po siya sa media, pero thankful po ako […]