• December 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mandatory use ng face shield sa mga work place at public transport, ikinunsulta sa mga eksperto

MASUSING dumaan sa konsultasyon ang panibagong panuntunan na ipinatupad ng pamahalaan hinggil sa pagsusuot ng face shield.

Sinabi ni Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases co- Chair Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, ang pasya na gawing mandatory ang pagsusuot ng face shields ay resulta ng konsultasyon sa mga eksperto gaya ng mga duktor at siyentipiko.

Aniya, ipinakita sa kanila ng mga experts kasama na ang mga epidemiologists na 99 percent ang posibilidad na hindi mahawahan ang isang indibidwal kung naka- face shield habang naka – face mask at sasabayan pa ng social distancing.

Sa kabilang dako, sinabi pa ni Nograles na mababa sa kabilang banda ang protection level ng surgical face mask at cloth mask kung ikukumpara sa N95 mask na mataas ang naibibigay na proteksiyon.

Kaya nga pagbibigay diin ng Kalihim, maigi talaga na gawing kumbinasyon na ang paggamit ng face mask at face shield gaya ng ipinatutupad na sa mga public transportation at workplace. (Daris Jose)

Other News
  • Asawa ni dating Palace spox Harry Roque, wala na sa Pinas- BI

    KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI), araw ng Martes na ang asawa ni dating presidential spokesperson Harry Roque Jr. na si Mylah Roque ay wala sa Pilipinas.   Sa Bagong Pilipinas Ngayon briefing, sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na umalis ng bansa si Mrs. Roque patungong Singapore noong Sept. 3. “Her lookout bulletin was […]

  • Sean Chambers, nag-apply na maging coach ng UST

    Interesadong mag-apply bilang bagong head coach ng University of Santo Tomas (UST) si dating PBA import Sean Chambers.   Kasunod ito ng pagbibitiw sa puwesto ni Aldin Ayo dahil sa kinakaharap nitong anomalya sa “Sorsogon bubble”.   Isa lamang ang 55-anyos na si Chambers sa mga nagsumite ng aplikasyon para maging coach ng UST Growling […]

  • Pacquiao balik-ensayo para sa exhibition match

    BALIK-ENSAYO na si eight-division world champion Manny Pacquiao para paghandaan ang exhibition match nito kay Korean YouTuber DK Yoo na idaraos sa Disyembre 10 sa South Korea.     Bagama’t isang exhibition match lamang ito, nais pa rin ni Pacquiao na buhusan ng oras ang paghanda para dito dahil hindi biro sumalang sa isang boxing […]