• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magaan na virus restrictions, inirekomenda ng MM mayors

INIREKOMENDA ng mga Metro Manila mayors ang pagpapagaan ng virus restrictions sa capital region.

Ang rekumendasyon ng mga MM mayors ay isang araw bago mapaso ang modified enhanced community quarantine.

Nagkaisa ang mga local chief executives sa MM capital na manawagan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isailalim na sa strict general community quarantine ang nasabing lugar bukas, Agosto 18.

“I can confirm na ang rekomendasyon ng mga mayor ay GCQ, pero yung GCQ po noong buwan pa ng Hunyo na mas mahigpit kaysa sa eventual GCQ na pinapatupad na,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Unanimous naman po ang recommendation ng IATF (Inter-Agency Task Force) at ng mga Metro Manila mayors kay Presidente,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Ang Metro Manila at mga karatig-lalawigan gaya ng Bulacan, Cavite, Laguna, and Rizal ay isinailalim sa MECQ category noong Agosto 4 bilang tugon sa panawagan ng mga health workers kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na “timeout” sa gitna ng ng patuloy na pagsirit ng COVID-19 cases.

Nauna rito, sinabi ni Sec. Roque na “highly unlikely” para sa pamahalaan na panatilihin ang Metro Manila at mga neighboring economic hubs sa ilalim ng MECQ dahil sa pagkaubos ng resources na pangtugon sa coronavirus pandemic.

Samantala,nakatakda namang pulungin ni Pangulong Duterte ‘virtually’ ang mga miyembro ng pandemic task force ng pamahalaan, mamyang gabi.

Inaasahan naman na ia-anunsyo ni Pangulong Duterte ang community quarantine classifications ng capital region at maging sa karatig-lalawigan.(Daris Jose)

Other News
  • NVOC, pangangasiwaan ni Health Usec Maria Rosario Vergeire pagpasok ng susunod na administrasyon

    SI  Health Usec. Maria Rosario Vergeire  ang  mangangasiwa sa National Vaccination Operations Center  (NVOC) sa pagpasok ng administrasyong Marcos.     Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni NVOC chairperson Usec. Myrna Cabotaje na walang dapat ipag -alala ang publiko dahil nasa mabuting kamay sila sa usapin ng vaccination campaign ng pamahalaan.     Ayon […]

  • Pelicans naitabla ang serye vs Suns, matapos magtamo ng injury si Booker

    NASILAT ng New Orleans Pelicans ang top team na Phoenix Suns sa iskor na 125-114, kaugnay sa nagpapatuloy na first round ng NBA playoffs sa Western Conference.     Dahil dito tabla na ang best-of-seven series sa tig-isang panalo.     Naging daan sa panalo ng Pelicans ang all-around performance ni Brandon Ingram na may […]

  • Undercards sa Teofimo Lopez vs. George Kambosos fight sa Oct. 4 nakalatag na

    Inanunsiyo ng promotional company na Triller ang iba pang magiging bahagi ng undercard sa mandatory fight sa pagitan nina Teofimo Lopez (16-0, 12 KOs) at George Kambosos (19-0, 10 KOs), na magaganap sa October 4, 2021 sa Hulu Theater ng Madison Square Garden.     Kung maalala una nang itinakda ang banggaan ng dalawa noong […]