Namamayagpag pa rin sa Netflix… Pinoy movie na ‘Lolo and the Kid’, patuloy na umaani ng papuri
- Published on August 22, 2024
- by @peoplesbalita
PATULOY na namamayagpag sa Netflix ang Filipino movie na Lolo and the Kid.
Kaugnay nito, patuloy din itong umaani ng papuri at iba’t ibang reaksyon mula sa viewers.
Sa social media, mababasa at mapapanood ang ilang review at komento ng mga Pinoy tungkol sa palabas.
Ngunit bukod sa mga Pinoy, tila hook na hook rin ang ilang international viewers sa heart melting story ng Lolo and the Kid.
Ilan sa kanila ay nag-upload ng videos sa TikTok, kung saan mapapanood ang kanilang crying moments habang pinapanood ang Filipino film.
Ang Pinoy na si @neymarchael, ipinakitang naiyak ang kaniyang girlfriend na isang Korean nang mapanood nito ang pelikula.
Sulat niya sa caption ng kaniyang post sa Tiktok, “I didn’t expect her reaction about the movie.”
Ang netizen naman na si @Ashley, mapapanood na may kasamang umiiyak habang pinapanood ang last part ng pelikula.
Sulat niya, “POV: You’re watching another Filipino drama film with us and feel all the feels by allowing yourself to ugly cry during the last [five] minutes of the movie.”
Ang Lolo and the Kid ay pinagbidahan ng award-winning Filipino actors na sina Joel Torre at Euwenn Mikaell.
Tampok din dito ang singer-actor na si JK Labajo na gumanap bilang binatang version ng karakter ni Euwenn.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Usapang isports sa online
PUWEDE pang libreng mapanaood ng mg kampeong magulang at kabataan, sakaling hindi pa nasasaksihan, ang MILO Home Court Huddle sa https://bit.ly/MILOHomeCourtHuddle, na tumanatanggap pa rin ng mga kalahok sa https://www.milo.com.ph/ milo-sports-interactive-online-classes#schedules. Kasangga si University of the Philippines College of Human Kinetics Asst. Prof. Mona Adviento-Maghanoy na nagkaloob ng tips para mapakilos ang mga tsikiting kahit nasa […]
-
Gilas nakatutok sa playoff stage
SESENTRO na ang atensyon ng Gilas Pilipinas sa krusyal na playoff stage ng FIBA Asia Cup sa Istora Gelora Bung Karno sa Jakarta, Indonesia. Wala nang puwang ang anumang kabiguan sa playoffs kung nais ng Pinoy squad na makapasok sa quarterfinal stage ng torneo. Makakasagupa ng Gilas Pilipinas sa playoffs ang […]
-
Sec.Roque, ibinala ni Pangulong Duterte sa ‘debate’ laban kay Carpio
SA HALIP na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kumasa sa debate na tinanggap ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio ay si Presidential Spokeperson Harry Roque ang makakaharap nito. Sinabi ni Sec. Roque na itinalaga siya ni Pangulong Duterte na siyang makipag-debate kay Carpio. ” Pero tuloy po ang debate. eh, ang […]