• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FACESHIELD MANADATORY SA MGA KAWANI NG NAVOTAS

IPINAG-UTOS ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na mandatory na ang pagsusuot ng face shield sa lahat ng mga empleyado ng pribadong kumpanya pati na rin sa mga kawani ng local na pamahalaan.

 

Sinabing alkalde na maliban sa pagsusuot ng face mask, karagdagang safety measuresdin ang pagsusuot ng face shield, hindi lamang para sa mga pasahero ng mga pampublikong sasakyan, kundi sa lahat ng mga manggagawa at empleyado sa lugar ng kanilang mga trabaho.

 

Aniya, batay sa pag-aaral ng mga dalubhasa, nababawasan ng 78% ang tsansang mahawaan tayo ng virus kapag may gamit na face mask at face shield.

 

“Hangad natin na makatulong ito para mas bumaba pa ang bilang ng mga nahahawaan,” ani alkalde.

 

Kaugnay nito, namahagi si Navotas City Congressman John Rey Tiangco face mask, disinfection kits at mga  safety stickers sa lahat ng mga driver ng tricycle at pedicab na mga miyembro ng iba’t ibang samahan ng mga driver sa lungsod.

 

Pinayuhan din sila ng mambabatas na palaging i-disinfect ang kanilang mga sasakyan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

 

Ayon naman sa ulat ng City Health Office hanggang 8:30pm ng August 16, nasa 90 ang nadagdag na nagpositibo kaya’t sumampa na sa 3,798 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, 1,297 dito ang active cases. 184 naman ang mga bagong gumaling kaya’t 2,392 na ang kabuuang bilang ng mga recoveries habang nanatili naman sa bilang na 109 ang mga namatay. (Richard Mesa)

Other News
  • Cardona magbabalik MPBL

    NAKATAKDANG sa hardcourt ang ex-professional na si Mark Reynan Mikesell  ‘Macmac’ Cardona sa 4th Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) 2021 sa Hunyo.     Ipinaskil ng 39-anyos, 6-0 ang taas na beteranong basketbolista sa kanyang Instagram account ang muling paglalaro sa regional pro league.     Kaya lang ay hindi na pero hindi na sa […]

  • PBBM, ipinag-utos ang pagbibigay ng insentibo, rice allowance sa mga empleyado ng gobyerno

    IPINAG-UTOS  ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga awtoridad ang pagbibigay ng one-time service recognition incentive na may  uniform rate na hindi lalagpas sa  P20,000 para sa  executive department personnel.     Nagpalabas ang Pangulo ng administrative orders  na naglalayong magbigay ng  service recognition incentive (SRI) para sa mga empleyado  sa executive department at […]

  • JANINE, umaming may experience na sa ‘online landian’; Direk JP, may paliwanag sa ending ng ‘Dito at Doon’

    NGAYONG na-extend na naman ECQ (enhanced community quarantine) marami na naman ang hindi makalabas ng bahay kaya isa sa paboritong gawing pampalipas ng oras at bugnot ay ang manood ng series o movies sa iba’t-ibang online platform.     At isa nga sa ire-recomend namin ay ang Dito at Doon ng TBA Studios na kasalukuyang […]