Lalaki pinagsasaksak ang 2 umaawat na kaibigan, 1 dedo
- Published on August 28, 2024
- by @peoplesbalita
PINAGSASAKSAK ng lalaking wanted sa kanilang lalawigan sa Northern Samar ang dalawa niyang kaibigan na umawat lang sa kanyang pagwawala na nagresulta sa pagkamatay ng isa sa Valenzuela City.
Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Valenzuela Medical Center ang biktimang si alyas “Balbas” 23, ng Donesa St., Balubaran, Barangay Mailnta sanhi ng tinamong mga saksak sa likod at tagiliran habang nakaratay naman ang naturang pagamutan ang isa pang biktiman si alyas “Irene”, 28 ng Melchor St., Barangay Malinta na may mga tama ng saksak sa magkabilang braso.
Nadakip naman ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang suspek na si Pepito Tenedoro alyas “Remmy”, residente rin ng Melchor St. na napagalamang kabilang sa most wanted person at may warrant of arrest sa kasong frustrated murder sa Regional Trial Court (RTC) Branch 21 ng Laong, Northern Samar na naganap noong Hunyo 12, 2022.
Lumabas sa pagsisiyasat ng mga tauhan ni P/Cpt. Armando Delima, hepe ng Station Investigation Unit (SIU) na dumalo muna sa isang birthday party ang magkakaibigan na magkasama rin sa trabaho noong Linggo kung saan may nakatalo na isa ring bisita ang suspek.
Nang magwala ang suspek, nagpasiya ang mga biktima na pilitin ang suspek na umalis na lamang sila at itinuloy ang pag-iinuman sa kanilang tinutuluyang sa Melchor St. Brgy. Malinta.
Habang nag-iinuman, muling nagwala ang suspek at nais balikan ang nakaalitan subalit, habang inaawat siya ng dalawang kaibigan, dito niya ibinunton ang galit at pinagsasaksak ang mga biktima bago mabilis na tumakas.
Dakong alas-10 ng gabi nang muling bumalik ang suspek sa kanyang tinitirhan at dito na siya nadakip nina Capt. De Lima. (Richard Mesa)
-
Jesus; Matthew 6:25
Do not worry about your life.
-
BRP Teresa Magbanua nilisan na ang Escoda Shoal
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa puwersa ng gobyerno na panatilihin ang ‘strategic presence’ sa West Philippine Sea kasunod ng pagbabalik ng BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) mula Escoda Shoal. Sinabi ito ni National Maritime Council (NMC) spokesman Alexander Lopez matapos na tapusin ng BRP Teresa Magbanua ang matagumpay nitong five-month mission sa pinagtatalunang katubigan. […]
-
DSWD, tiniyak na walang magiging problema sa pamamahagi ng ayuda sa mga apektado ni ‘Florita’
TINIYAK ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na walang magiging problema sa kanilang pamamahagi ng tulong para sa mga kababayan nating naapektuhan ng bagyong Florita. Sa ulat ni DSWD Spokesperson Asec. Romel Lopez, sa kasalukuyan kasi ay nasa Php 760 million pa ang halaga ng quick response fund ng kagawaran mula […]