Secretary Rex kay VP Sara: Mga bata dapat proteksyunan ‘di mga nang-aabuso
- Published on August 28, 2024
- by @peoplesbalita
NANININDIGAN ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na dapat lang na pagkalooban ng proteksiyon ang mga bata laban sa mga pang-aabusong pisikal at sekswual.
Hindi mananahimik ang ahensiya sa gitna ng mga seryosong akusasyon laban kay Apollo Quiboloy na nahaharap ngayon sa mga kaso ng human trafficking, sexual exploitation at pang-aabuso sa mga menor-de-edad lalu na’t hindi kayang proteksiyunan ng mga bata ang kanilang sarili.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, palagi ng sinasabi ni Pangulong Ferdinand R Marcos, Jr. na labis siyang naaapektuhan sa kinakaharap na pagdurusa ng mga inosente at paulit-ulit ding binabanggit na wala ng iba pang mas masakit kundi makita ang mga batang dumaranas ng pagdurusa, pasakit at walang nakikitang pag-asa sa buhay na kanila ring nadarama upang bigyang pansin ng ahensiya ang mga ganitong uri ng sitwasyon.
Dahil dito, naninindigan ang DSWD sa kapakanan ng mga biktima at nangakong matiyak na maibibigay ang wastong katarungan sa mga naaapi, at marinig ang kanilang tinig.
Nanawagan din ang ahensiya sa bise president at sa iba pang mga lider na makiisa sa pagkakaloob ng proteksiyon sa bawa’t batang Filipino at suportahan ang proseso ng katarungan na kasalukuyang umiiral upang maihatid sa hukuman ang may kagagawan.
Nais din ng DSWD na lahat ng mga namununo at mamamayan ay sumuporta sa legal na proseso sa paghahanap ng hustisya ng mga inosenteng biktima at maparusahan kung sino ang may sala.
Naninindigan ang ahensiya sa pangako ng Pangulong Marcos, Jr. na lumikha ng magandang kinabukasan para sa mga batang mamamayang Filipino at walang maiiwang mag-isa na magdurusa. (Daris Jose)
-
Problema sa industriya ng asukal, patuloy na pinaplantsa – PBBM
PATULOY na pinaplantsa ng pamahalaan ang problema sa industriya ng asukal. Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang pangunahan nito ang pamamahagi ng government assistance sa Talisay city sa Negros Occidental. Sinabi ng Punong Ehekutibo, may kailangan pang ayusin na problema sa sugar industry na lubha aniyang napabayaan […]
-
TD ni Curry tunaw sa Heat
NAGSALPAK si Jimmy Butler ng limang sunod na puntos habang kumamada si Max Strus ng 24 markers sa 116-109 pagsunog ng Heat sa nagdedepensang Golden State Warriors. Tumapos si Butler na may 23 points at may 19, 17 at 13 markers sina Bam Adebayo, Duncan Robinson at Kyle Lowry, ayon sa pagkakasunod, para […]
-
Addams Family 2 Will Hit the Big and Small Screen This Halloween Season
THE upcoming Addams Family 2 sequel is set for a theatrical and rental release this October, hitting the big screen and small screen on the same day. The animated comedy will feature familiar voices from a long list of stars, including Charlize Theron as Morticia, Oscar Isaac as Gomez, Chloë Grace Moretz as Wednesday, Bill Hader […]