Mga pulis, natuklasan ang ‘kumplikadong mga daanan’, mga armas sa loob ng KOJC estate
- Published on August 31, 2024
- by @peoplesbalita
NATUKLASAN ng kapulisan ang mga masalimuot na daanan, mga pampasabog, at iba pang nakamamatay na armas sa loob ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City sa nagpapatuloy na paghahanap sa kanilang lider na si Pastor Apollo Quiboloy.
Ipinresenta ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang mga videos na kuha sa mga unang araw ng paghahanap kay Quiboloy, makikita ang pasikot-sikot na structural designs ng gusali sa loob ng 30-hectare estate.
Natuklasan din aniya ng mga pulis ang ‘secret passageway” patungo sa isang kuwarto at 42 gusali sa loob ng compound.
“This is now the secret door at dito ka ngayon papasok sa kuwartong ito . Nandiyan ang kuwarto ni Pastor Quiboloy. Liliwanagin ko lang, iilan lang yan. Hindi lahat puwede namin ipakita, iilan lang yang mga secret passage at yung mga nakikita namin,” dagdag na wika ng Kalihim.
Ipinakita rin nito ang video clips ng isa pang gusali na sumasailalim ngayon sa konstruskyon.
Aniya pa, nakikipag-ugnayan na sila sa Davao City Engineer’s Office para madetermina ang lahat ng uri ng kuwarto at daanan sa loob ng compound na nakadeklara sa construction plan na isinumite ng grupo.
“Bakit may mga ganitong construction? We are checking whether they declared or not declared at kung sakali man para alam namin kung saan kami lulusot dito. Nakakalito talaga. It’s a violation kapag hindi nakadeklara lahat ng intricate things na ginawa at binuo na puwedeng pagtaguan,” aniya pa rin.
Ipinakita rin ni Abalos ang mga larawan ng Molotov bombs at bolos na natuklasan ng kapulisan sa roof deck ng gusali.
Sinabi pa ni Abalos na naglagay ang mga taga-suporta ni Quiboloy ng barbed wires at live electrical wires sa loob ng compound.
Gayunman, tumanggi naman si Abalos na ipakita lahat ng mga video upang hindi aniya ‘ma-jeopardize’ ang nagpapatuloy na operasyon para matunton si Quiboloy.
“Mahirap ito. Nakita niyo ‘yung mga challenges na pinagdadaanan ng ating kapulisyahan as of now,” aniya pa rin.
Samantala, sinabi naman ni Police Regional Office (PRO) 11 (Davao) spokesperson Maj. Catherine Dela Rey na naniniwala sila na nasa compound pa rin si Quiboloy.
“We will never bomb or destroy your structure because we are not after the structure, we are not after the church, and we are not after the members. Implementing the warrant of arrest is our job, and we are ordered by the court to do so,” ang sinabi nito.
Nauna rito, pinasinungalingan naman ng PRO-11 ang lumabas na social media posts na bobombahin nito ang cathedral sa loob ng KOJC compound. (Daris Jose)
-
Ex-PDEA agent Morales pipigain sa Senado
BALAK pigain ng Senado si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales sa susunod na pagdinig upang malaman kung sino ang nasa likod ng kanyang rebelasyon tungkol sa “PDEA leaks” na nagsasangkot kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iba pang celebrity sa paggamit ng ilegal na droga. “Itanong natin ‘yan sa […]
-
Ads May 13, 2023
-
6,585 na ang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal — NDRRMC
Paparami nang paparami ang bilang ng populasyong apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal sa pagpapatuloy ng mga aktibidad nito habang nasa Alert Level 3, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Sa ulat ng ahensya ngayong 8 a.m., Martes, nasa 6,585 na ang naaapektuhan ng pagsabog ng bulkan sa rehiyon ng […]