Death toll sa hagupit ng bagyong Enteng sa PH, sumampa na sa 13 – OCD
- Published on September 4, 2024
- by @peoplesbalita
SUMAMPA na sa 13 katao ang napaulat na nasawi dahil sa hagupit ng bagyong Enteng.
Ayon kay Office of the Civil Defense spokesperson Edgar Posadas, kasalukuyang biniberipika pa ang mga napaulat na nasawi kung saan 8 dito ay mula sa lalawigan ng Rizal partikular sa Antipolo city kasunod ng mga insidente ng landslide at baha, 3 sa Bicol at 2 sa probinsiya ng Cebu na nabagsakan ng pader.
Samantala, nakapagtala din ang OCD ng 10 katao na nasugatan sa Cebu dahil sa epekto ng bagyo.
Samantala, base naman sa datos mula sa NDRRMC, umabot na sa kabuuang 147,024 indibidwal o katumbas ng 37,867 pamilya mula sa mahigit 300 barangay sa Central Luzon, Calabarzon, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, at National Capital Region.
Nasa 157 lugar din ang naitala ng ahensiya na binaha, 4 ang naitalang insidente ng landslide dahil sa mga pag-ulan at 3 gumuhong struktura.
Mayroon ding kabuuang 54 na kalsada at 2 tulay ang nananatiling hindi madaanan.
Nasa 11 siyudad at bayan naman sa Central Luzon, Calabarzon at Bicol ang nawalan ng suplay ng kuryente.
Sa advisory mula sa Meralco ngayong Martes, humingi ng pang-unawa ang kompaniya dahil nasa 2,000 pang customer nila ang nananatiling lubog sa baha. Tiniyak naman nito na kanilang ibabalik ang suplay ng kuryente sa lahat ng apektadong customers sa lalong madaling panahon.
Inaasahan naman na umaga ng Miyerkules lalabas na ng Philippine area of responsibility ang bagyong Enteng. (Daris Jose)
-
PBBM, tinaasan ang allowance ng mga foreign service employee
TINAASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang allowance ng Filipino government employees na nakatalaga sa ibang bansa. Sa ilalim ng Executive Order No. 73, ang umento sa base rates para sa overseas allowance (OA) at living quarter allowance (LQA) ay mula 35% hanggang 40%, ipatutupad sa apat na tranche. Ang family […]
-
PRIDE FESTIVAL, MATAGUMPAY NA NAIDAOS SA QUEZON CITY
MATAGUMPAY na naidaos ang Pride Festival ngayong taon na ginanap sa Quezon Memorial Circle nitong nakaraang Sabado. Ayon sa ulat ng Quezon City local government unit, umabot sa 110, 752 na myembro ng LGBTQIA+ ang dumalo sa nasabing pagdiriwang. Ang nasabing bilang ay ayon na rin sa foot traffic data na nairecord ng […]
-
‘Maging Sino Ka Man’ nila ni Barbie, papalit sa ‘Voltes V: Legacy’: DAVID, may gagawing teleserye at movie sa China
NAGING matagumpay ang ribbon-cutting at blessing ng bagong branch ng Blue Water Day Spa noong Agosto 11, 2023 na pinangunahan ni Pambansang Ginoo David Licauco. Ang pinakabagong sangay nito ay matatagpuan sa 2nd Floor South Wing ng Estancia Mall, Capitol Commons, Meralco Avenue, Ortigas Center, Pasig City. Bukod sa Kapuso actor na talaga namang pinagkaguluhan at […]