• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas bagsak sa global standard sa Science, Math

 

NAPAG-IWANAN ang Pilipinas sa ‘global standards’ sa Science at Math dahil ‘flat zero’ ang DepEd sa pagbili at distribusyon ng Science at Math equipment ­packages sa mga estudyante at zero rin sa distribusyon ng TechVoc equipment packages.

 

 

Ayon sa 2023 audit report ng Commission on Audit (COA), nabigo ang DepEd na makamtan ang key targets nito partikular na sa hiring ng mga guro, pagtatayo ng mga klasrum, distribusyon ng learning tools at equipment, pagbili ng textbooks, school-based feeding program sa buong taon ng pamumuno ni Vice Pres. Sara Duterte sa ahensya.

 

 

Sinisi ng mga state auditors ang hindi tamang paggamit, paggasta, kuwestiyonableng paglilipat ng pondo, paglabag sa proseso ng procurement at kawalan ng kakayahan na pasunurin ang mga suppliers na sumunod sa espesipikasyon ng deli­very targets.

 

 

Base sa COA report sa DepEd Performance Indicator, nasa 12,821 mga bagong klasrum lang ang naitayo o nasa 74% sa target na 16,557 sa ilalim ng Basic Education Facilities Fund (BEFF).

 

 

Samantalang sa mga planong imprenta at delivery ng 8.7 milyong textbooks at instructional/learning materials para sa nakalipas na taon ay nasa 1.87 milyon lang ang naisakatuparan o 22%.

 

 

Sa procurement at distribusyon ng Information and Communication Technology (ICT) kabilang ang laptop para sa mga guro, smart TVs para sa mga klasrum, e-learning carts o ang ‘rolling libra­ries with laptops’ ay nasa 73,791 ang target pero aabot lamang sa 16,416, ayon pa sa COA.

 

 

Sa hiring ng mga guro, nagtakda ang DepEd ng 15,365 posisyon na dapat mapunan sa pagsisimula ng taon pero nasa 11,023 o 72% lamang ito.

 

 

Sa kabila ng sapat na pondo para sa School-Based Feeding Program (SBFP), dahil sa disorga­nisadong proseso ng procurement at pagkakaantala ng implementasyon ay nasa 5.33 milyong estudyante lamang ang nakinabang sa programa o 77% mula sa 6.94 ­milyong target. (Daris Jose)

Other News
  • MARIAN, excited na ring makita ang kanyang inaanak: JENNYLYN at DENNIS, ‘di na makapaghintay sa pagdating ng first baby nila

    MARAMI nang nagtatanong kung nagsilang na raw si Kapuso actress Jennylyn Mercado ng baby girl nila ni Dennis Trillo.      Balita raw kasi noon pang April 26, ay nakaramdam na ng labor pain si Jen, but as of this writing (April 28), wala pang confirmation, kahit sa kani-kanilang Instagram account nina Jen at Dennis. […]

  • Sa pagtatapos ng sitcom nila ni Bossing Vic: MAINE, may tsikang makakasama ni ATOM sa ‘Extra Challenge (Reloaded)’

    KUNG napanood na muli si Maine Mendoza sa “Eat Bulaga” last Saturday, May 6, nagpaalam naman siya kinagabihan sa finale episode ng comedy show nilang “Daddy’s Gurl” sa GMA-7, na nagtatampok sa kanilang mag-ama, si Itang Barak Otogan (Vic Sotto) at siya naman ang anak na si Visitacion or Stacy Otogan.       Maine penned […]

  • Pagkakaisa at sigla pa rin ng sports asam ni Milby

    DINADALANGIN ni Philippine Rugby Football Union (PRFU) secretary general at national rugby team member Ada Milby ang pagkakaisa at masiglang PH sports sa kabila na may pandemya pa rin.     Siya ang unang babaeng naging kasalukuyang kasapi ng World Rugby Council WRC) kahit hindi pinalad na manalo bilang second vice president ng Philippine Olympic […]