• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

18,271 puwesto sa gobyerno, pupunan sa midterm polls

INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na kabuuang 18,271 puwesto sa gobyerno ang nakatakdang punuan sa idaraos na National and Local Elections (NLE) sa Mayo 2025.

 

 

Ayon sa Comelec, pa­ngunahin sa mga naturang posisyon ay 12 sa pagka-senador, 254 na miyembro ng House of Representatives at 63 party-list representatives.

 

 

Pupunuan din ang posisyon ng 82 gobernador, 82 bise gobernador, at 792 provincial board members.

 

Gayundin ang 149 city mayors, 149 city vice mayors, 1,582 city councilors, 1,493 town mayors, 1,493 town vice mayors, at 11,948 town councilors.

 

 

Pupunuan din ang 32 miyembro ng parliament ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), at 40 BARMM party list representatives.

 

Ang filing ng certificate of candidacy (COC) ay itinakda na ng Comelec sa Oktubre 1 hanggang 8.

 

 

Umaarangkada pa naman ang voter registration period at magtatapos sa Setyembre 30, 2024.

Other News
  • Dalaga arestado sa motornapping sa Navotas

    Kalaboso ang isang 23-anyos na bebot matapos i-reklamo ng pagnanakaw ng motorsiklo sa Navotas city, kahapon ng madaling araw.     Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10883 (New Anti-Carnapping Law) ang suspek na kinilalang si Karen Cruz, bar employee at  residente ng No. 39-A Santiago St., Brgy. Sipac-Almacen.     Sa inisyal na imbestigasyon […]

  • 50%-70% ng mga residente ng Kalakhang Maynila kayang mabakunahan

    KUMPIYANSA si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na mababakunahan ang 50% hanggang 70% ng mga residente sa Kalakhang Maynila bago pa dumating ang Nobyembre 27, 2021.   Sa virtual press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi ni Abalos na sa patuloy na pagdami ng bakuna, idagdag pa ang patuloy na namamayaning […]

  • Wish na someday maging okay sila as friends: Direk DARRYL, ‘bayani’ ang turing kay Direk JOEL kaya ‘di kayang laitin

    DAHIL silang dalawa ang pinaka-kontrobersiyal na direktor sa ngayon dahil sa magkasalungat na political opinions at tema ng pelikula, minabuti naming hingan ng mensahe si Darryl Yap na direktor ng ‘Martyr Or Murderer’ para kay direk Joel Lamangan ng ‘Oras De Peligro’.   “Sa tingin ko I don’t wanna give a message, just, you know, […]