LRT-1 operation, suspended sa 3 weekends ng Agosto
- Published on August 12, 2024
- by @peoplesbalita
PANSAMANTALANG magsususpinde ng operasyon ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 3 (LRT-1) sa tatlong huling weekend ng Agosto.
Ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-1, layunin nitong pabilisin ang paghahanda sa target na pagbubukas ng Cavite Extension Phase 1 sa ikaapat na bahagi ng 2024.
Sa inilabas na abiso ng LRMC kahapon, nabatid na suspendido ang serbisyo ng LRT-1 sa Agosto 17 hanggng 18; Agosto 24 hanggang 25 at Agosto 31 hanggang Setyembre 1.
“During these periods, no commercial train service will be available from Fernando Poe Jr. Station to Baclaran Station,” dagdag pa ng LRMC.
Tiniyak naman ng LRMC na ang temporary closures ng rail line ay magreresulta sa long-term convenience ng mga commuters, sa sandaling maging na ang pinalawak na LRT-1.
Pinayuhan din ng LRMC ang mga commuters na planuhin ang kanilang biyahe at gumamit na lamang ng ibang alternatibong transportasyon.
Other News
-
‘Sign of love’ sa kapatid na pumanaw: ELIJAH, nagpa-tattoo para ‘di nila makalimutan si JM
PARA hindi makalimutan ni Elijah Canlas ang kanyang pumanaw na kapatid na si JM Canlas, nagpalagay ito ng tattoo na ang design ay ang trademark thumbs up pose ni JM. Pati raw ang isa nilang kapatid na si Jerom ay nagpalagay din ng tattoo. Sign of love daw nila ito para […]
-
LRT 1 Cavite Extension 94 % kumpleto
INAASAHAN ng Light Rail Manila Corp. (LRMC), ang pribadong operator ng LRT 1, na matatapos ang LRT 1 Cavite Extension sa 2024 at magiging operasyonal sa huling quarter ng 2024. Sa ngayon, ang konstruksyon ng 6.7- kilometer Phase 1 ay 94.1 porsiento ng tapos parehas sa civil at system works. […]
-
Ads May 11, 2023