• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bilang ng mga mahihirap na pinoy, bumaba noong 2023- PSA

BUMABA ang bilang ng mga mahihirap na Filipino noong nakaraang taon, 2023.

 

 

Ito’y ayon sa Full Year Official Poverty Statistics ng Philippine Statistics Authority (PSA).

 

 

Sa katunayan, mula 19.90 milyon noong 2021, bumaba ito sa 17.54 milyon noong 2023. Dahil dito, ang poverty incidence ay 15.5% noong 2023 mula 18.1% noong 2021.

 

Kaya nga nangako ang pamahalaan na ibababa ang poverty level sa single-digit levels bago magtapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

Itinuturong dahilan naman ni National Statistician and Civil Registrar General Usec. Claire Dennis Mapa sa pagbabago ng bilang ng mga mahihirap na Filipino sa umento sa sahod at tumaas na employment rate dahil sa paglago ng ekonomiya.

 

“Mas mataas ang kita, mas mabilis ang taas ng kita doon sa mga pamilya sa bottom decile,” ayon kay Mapa.

 

Para makonsiderang mahirap, ang isang tao ay kailangan na “below the country’s poverty threshold.”

 

Para sa taong 2023, ang average poverty threshold ay P13,873 kada buwan para sa Pamilyang may limang miyembro. Nangangahulugan ito na ang pamilya na ‘above’ sa nasabing halaga ay hindi maikokonsiderang mahirap. Ang halaga ay budget para sa food at non-food items.

 

Para sa food-poor threshold, ang average ay P9,581 kada buwan para sa pamilya na may limang miyembro.

 

“This translates to P64 daily food budget per person when P9,581 is divided by 30 days and divided by 5 persons. Those earning higher than the threshold are not considered food poor,” ayon sa PSA.

 

Sinabi pa nito na mula sa 18 rehiyon, mayroong 11 ang naitala na bumaba sa poverty incidence sa mga pamilya. Nagpakita ng improvement ang Caraga sa 14.9% o pagbaba sa 11% points.

 

Kapwa naman sinabi ng PSA at NEDA na rerebisahin nila ang poverty threshold information sa susunod na taon para mas maayos na mas alamin ang kalayaan ng bansa.

Other News
  • Jenna Ortega’s ‘Miller’s Girl’ Is Going To Be Her Most Controversial Yet

    ‘MILLER’S Girl’ is a comedy drama from writer and director Jade Halley Bartlett.   The film follows a teacher named Jonathan Miller (Martin Freeman) and his young, talented student, played by Jenna Ortega, who become entangled in a complex relationship after a creative writing assignment yields unexpected results.   As lines blur and their lives […]

  • LeBron James may buwelta sa mga kritiko

    Binuweltahan ni NBA star LeBron James ang kaniyang mga kritiko.     Kasunod ito ng pagkakatala niya sa loob ng 17 na magkakasunod na season bilang manlalaro na mayroong average na 25 points kada laro.   Dahil dito, nalampasan na niya sina Michael Jordan, Kobe Bryant at Kevin Durant na mayroong 12 total seasons na […]

  • BIR, dapat na habulin ang lahat ng hindi nagbabayad- Andanar

    SINABI ng Malakanyang na dapat lamang na habulin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang lahat ng tao na hindi nagbabayad ng kanilang buwis sa gitna ng usapin hinggil sa P203-billion estate tax debt case ng pamilya Marcos.     Tinanong kasi si acting presidential spokesperson Martin Andanar kung may nakikitang ‘sense of urgency’ ang […]