Prisoner swap… Walang ‘palit-ulo’ sa pagitan ng Pinas, Indonesia para kay Alice Guo — PBBM
- Published on September 7, 2024
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang prisoner-swap o ‘palit-ulo’ sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia kasunod ng pag-aresto sa dinismis na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Sa naging panayam ng mga miyembro ng Malacañang Press Corps (MPC), winika ni Pangulong Marcos na walang ‘official request’ mula sa Indonesian government para sa ‘prisoner swap.’
”Wala namang nag-swap. Walang swap,” ayon kay Pangulong Marcos.
”There was… because lumabas sa isang article sa Indonesia na dapat mag-swap pero hindi official ‘yun because an article came out in Indonesia suggesting a swap but it was never official],” aniya pa rin
Tinuran pa ng Chief Executive na ang pakikipag-ugnayan sa Indonesian authorities hinggil sa pag-aresto kay Guo ay “very intricate at sensitive.”
Binanggit nito na ang kanyang naging byahe sa Indonesia ay nakatulong sa kanya na magkaroon ng maraming kaibigan na tumulong naman sa proseso ng pag-aresto kay Guo.
”Kinakausap natin ang mga kaibigan sa Indonesia. Buti na lang marami tayong naging kaibigan na dahil sa pagpunta-punta ko sa mga iba’t ibang bansa… Indonesia being one of them at naging malapit kami ni President Jokowi… naging bahagi ‘yun kahit na hindi ganoon kasimple ang pag-transfer,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.
Sa ulat, una nang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na may ilang kondisyon para sa deportation ni Guo na nadakip sa Tangerang, Indonesia.
Una nang lumutang ang isyu na hinihiling umano ng Jakarta Police na ipagpalit si Guo kay Haas, na nakapiit sa Pilipinas.
Napag-alaman na si Haas ay nadakip ng Bureau of Immigration sa San Remigio, Northern Cebu noong Mayo 15, 2024 bunsod na rin ng Interpol red notice.
Subalit, sinabi naman ng tinuran ni Justice Undersecretary Nicky Ty na wala pa silang natatanggap na official request mula sa Indonesian government hinggil sa umano’y “palit ulo” sa naarestong si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Aniya, wala pang opisyal na pakiusap o hiling ang Indonesia kaugnay sa isyu ng “palit ulo” sa Australian national Gregor Johan Haas, na most wanted sa bansa dahil sa kaso ng drug smuggling.
“Huwag natin pangunahan, ano?, ani Ty. (Daris Jose)
-
DOJ pinag-aaralan ang legal na kaharapin ni VP Duterte sa mga pahayag nito
PINAG-AARALAN ng Department of Justice ang legal na maaring kaharapin ni Vice President Sara Duterte dahil sa mga pahayagnito laban kay namayapang si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. Ayon kay DOJ Secretary Crispin Remulla, na kanilang pinag-aaralan ang legal na aspeto dahil maaaring mayroong nalabag sa moral na prinsipyo. Giit pa […]
-
LTFRB didinggin ang petisyon ng transport groups
ITINAKDA ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa September 26 ang pagdinig ng petisyon na inihain ng transport groups para sa P5 na taas pasahe bilang minimum fare. Kasama sa didinggin sa petisyon ang provisional adjustment na P1 sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong krudo sa merkado. […]
-
AFP kinalma ang publiko kaugnay sa terror plot ng Hamas sa Pilipinas
GUMAGALAW na rin sa ngayon ang intelligence community ng Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa napaulat na terror attack ng kilalang international terrorist group na Hamas sa Pilipinas. Nakikipag-ugnayan na rin ang AFP sa PNP kaugnay sa nasabing intel report. Ibinunyag kasi ng PNP kamakailan na may isang Fares […]