• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Covid-19 vaccine ng Russia na inalok sa Pinas kailangan munang dumaan sa FDA

KAILANGAN pa rin na dumaan sa tamang proseso ang iniaalok ng bansang Russia sa Pilipinas na bakuna na na-developed nito laban sa COVID .

Ang katwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque, may batas na ipinaiiral sa Pilipinas ukol sa paggamit ng isang gamot for public consumption na dapat sundin.

Kailangan aniyang dumaan ang Covid-19 vaccine sa Food and Drugs Administration at hindi maaaring ibigay sa publiko ang isang gamot ng hindi nasusuring mabuti ng FDA.

Dapat masunod ang batas ukol dito lalo’t for mass distribution ang kaukulan ng isang gamot at kabilang nga dito ang clinical trials na handang gastusan ng pamahalaan.

“Ang sabi po ni Presidente, nagpapasalamat siya. He is grateful doon sa offer ng Russia. Pero sinabi rin niya na kinakailangan din nating sundin ang batas na umiiral sa Pilipinas dahil nga po walang gamot na pupuwedeng ibigay sa publiko na hindi dumadaan sa FDA. Ang FDA naman po ay hindi mag-iisyu ng permit to utilize sa isang gamot kung wala po iyong clinical trial,” paliwanag ni Sec. Roque.

“So dadaan din po iyan sa proseso natin iyan. At naiintindihan naman po ng mga Russians iyan dahil may batas po kasi. Unless the FDA declares nga an emergency, compassionate use, iyon po pupuwede ‘no. Pero for mass distribution, tingin ko po, dapat sundin pa rin iyong batas and that calls for clinical trials po. Puwede naman po ang gobyerno gumastos diyan sa clinical trials na iyan,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Nauna rito, nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nasabing alok ni Russian President Vladimir Putin habang nagpahayag ito ng kahandaang makatulong sa clinical trial sa gitna ng mataas na kumpiyansa sa Russia para wakasan na ang COVID-19.

” it was a generous offer for which we have to be thankful for ‘no. Tayong mga Pilipino naman ay pulaan na tayo, pero ang utang na loob ay isa talagang binibigyan natin ng halaga. So tingin ko naman ay in-articulate ni Presidente iyong gratefulness at iyong utang na loob natin dahil isa sila … sila ang pinakaunang nag-offer ng vaccine sa atin ‘no, at hinding-hindi makakalimutan ng sambayanang Pilipino iyang kabutihang-loob na iyan,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • Mahigit 5-K na kabahayan napautang ng PAG-IBIG Fund sa mga miyembro nito

    AABOT na sa mahigit 5,000 mga kabahayan ang naipautang ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund para sa mga minimum wage earners at low-income members.     Ayon sa PAG-IBIG, na ang mayroong kabuuang 5,411 na mga socialized homes ang kanilang naipautang o na-financed mula Enero hanggang Abril 2022.     Binuo ito ng […]

  • Sri Lanka naglagay na ng mga sundalo sa mga gasolinahan

    NAGLAGAY na ng sundalo ang gobyerno ng Sri Lanka para bantayan ang mga gasolinahan.     Ito ay dahil sa maraming pumila sa mga gasolinahan dahil sa banta ng kakulangan ng suplay ng gasolina.     Ang nasabing bansa ay nagkukumahog ang ekonomiya dahil sa devaluation ng kanilang pera kaya humingi na sila ng tulong […]

  • Ads September 22, 2023