• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, inirekomenda si Cheloy Garafil bilang MECO board chairman

INIREKOMENDA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Presidential Communications Office (PCO) secretary Cheloy Garafil bilang miyembro at chairman ng board of directors ng Manila Economic and Cultural Office (MECO).

 

Ang anunsyo ng Pangulo ay ibinahagi ng PCO sa Facebook Page nito.

 

Nauna rito, kinumpirma ni PCO Secretary Cesar Chavez na itinalaga ni Pangulong Marcos Jr. si Garafil bilang chairman ng Manila Economic and Cultural Office sa Taiwan kapalit ni Silvestre Bello III.

 

Bago pa naging PCO secretary, Nagsilbi muna si Garafil bilang officer-in-charge ng dating Office of the Press Secretary.

 

Matatandaang, Hunyo 2022, itinalaga ni Pangulong Marcos si Garafil bilang pinuno ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

 

Nagsilbi rin siya bilang service director ng Committee on Rules of the House of Representatives. Bukod dito, Nagsilbi rin siya bilang taga-usig para sa Department of Justice (DOJ) at State Solicitor para sa Office of the Solicitor General (OSG). (Daris Jose)

Other News
  • Inanunsyo ng mga top US officials … US magbibigay ng $500-M sa PH para sa AFP modernization program at PCG

    INANUNSIYO ng mga top US officials na ang Washington DC ay maglalaan ng tulong na nagkakahalaga ng USD500 milyon (humigit-kumulang PHP29.3 bilyon) para tumulong sa kasalukuyang programa ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine Coast Guard (PCG).       Ginawa nina US Secretary of State Antony Blinken at Department […]

  • ER ng private hospitals higit 100% puno na

    Lagpas na sa 100% ang kapasidad sa operasyon ng maraming pribadong pagamutan ngayon sa iba’t ibang panig ng bansa dahil sa nararanasang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.     Sinabi ni Philippine College of Physicians (PCP) president Dr. Maricar Limpin na may ilang ospital pa nga ang nasa 130%-150% na ang operasyon ng mga […]

  • Unang anibersaryo ng kamatayan ni Noynoy Aquino ginunita

    GINUNITA kahapon June 24 ang unang anibersaryo ng pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Si Noynoy ang ika-15 na presidente ng bansa, na siyang naglingkod siya mula 2010 hanggang 2016.     Nag-alay ng misa para sa dating pangulo na siyang dinaluhan ng malalapit niyang kamag-anak, kaibigan at mga dating nakatrabaho. Isinagawa ang […]