• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PhilHealth record, puno ng ‘super centenarians’ at ‘minor senior citizens?’

Hindi napigilan ng ilang senador na mairita sa palpak na record at iba pang anomalya sa PhilHealth na lumitaw sa ikalawang araw ng pagdinig sa mataas na kapulungan ng Kongreso.

 

Lumutang din sa pagtatanong ni Sen. Francis Tolentino ang isyung may ilang benepisaryo na maituturing nang “super centenarian” dahil umaabot ang mga ito sa edad na 120 o higit pa.

 

Kung totoo umano ito, mapupunta na ang titulo sa Pilipinas, na bansang may pinakamaraming matatanda na nabuhay pa noong panahon nina Apolinario Mabini, Pangulong Emilio Aguinaldo at US General Arthur MacArthur.

 

Pero lalo pang nagulantang ang mga mambabatas nang matuklasang pati mga maliliit na bata ay nakalista rin bilang senior citizens.

 

“Kaya ko ito binabanggit kasi baka magka-problema tayo ‘pag ipinatupad na ang national ID system dahil maraming kukunin sa PhilHealth records. You should be doing the cleansing right now,” wika ni Tolentino.

 

Depensa naman ni PhilHealth Senior Vice President Dennis Mas, nasa proseso na sila ng paglilinis ng kanilang record, pero hindi ito madali dahil kailangan ng proper validation bago mag-alis o magdagdag ng entry.

 

Naniniwala si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na dahil sa mga nalantad na kapalpakan ng PhilHealth officials sa hearing, agad na aalisin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal na may kapabayaan.

 

“The President said last night that he will go hard on these PhilHealth officials. We expect no less than that,” wika ni Sotto.

Other News
  • BIG-SCREEN SPECTACLE “WONKA,” IS “THE PERFECT CHRISTMAS MOVIE,” SAYS DIRECTOR PAUL KING

    WHEN director Paul King, known for the family-favorite Paddington movies, was a child, one of the first books he read was Charlie and the Chocolate Factory by beloved children’s book author Roald Dahl.  “I loved Charlie and the Chocolate Factory,” says King. “I read it again and again until the pages fell out of the cover. I remember loving the […]

  • DONITA ROSE, corporate chef na sa isang sikat na Filipino supermarket chain

    MASAYANG binalita ni Donita Rose na siya na ngayon ang corporate chef para sa sikat na Filipino supermarket chain sa United States na Island Pacific.     Sa kanyang Instagram, heto ang post ni Donita: “It’s official! You are now looking @islandpacificmarket’s Corporate R&D Chef. Wait ‘til you see what we’ve been working on together […]

  • Abalos, hinikayat ang mga residente ng NCR na bumili ng P39/kg. rice sa ‘Super Kadiwa’ stores

    HINIKAYAT ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang mga residente ng National Capital Region (NCR) na bisitahin ang ‘Super Kadiwa’ centers para makabili ng bigas sa halagang P39/kg. at iba pang abot-kayang “high-quality produce.” “Malaking katipiran po ito para sa ating mga kababayan sa Metro Manila dahil sa […]