• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

QC LGU, nagpaalala na mag-ingat sa MPOX , 2nd at 3rd case naitala sa lungsod

PINAALALAHANAN ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang mga mamamayan na mag-ingat laban sa monkey pox o mpox matapos maitala ang ikalawa at ikatlong kaso nito sa lungsod.
Ayon sa kalatas na inilabas ng City Epidemiology and Surveillance Division (QCESD), kasalukuyan nang naka-isolate ang mga pasyente sa kani-kanilang mga bahay.
Sa pahayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, hindi biro ang mpox malala ang epekto nito lalo na sa mga taong mahina ang immune system kaya napakahalaga na tayo mismo ay mag-ingat para hindi makakuha ng virus at hindi tayo makahawa pa.
Paalala pa ng alkalde, ugaliin pa rin ang paghuhugas ng kamay at lumayo sa mga taong nagpapakita ng sintomas ng mpox.
Dagdag pa ni Belmonte, kung may sintomas kayo ng mpox agad nang pumunta sa pinakamalapit na health center o ospital para magpatingin.
Pagtitiyak pa ng punong-lungsod, hindi papabayaan at handang tumulong ang lokal na pamahalaan para sa kanilang mabilis na pagpapagaling.
Inilahad pa ni Belmonte na agad na nagsagawa ng contact tracing ang QCESD at mahigpit na minomonitor ang mga nakasalamuha ng dalawang pasyente.
Matatandaang dalawang linggo na ang nakalilipas nang iulat ng lokal na pamahalaan ang unang kaso ng Mpox na kasalukuyang naka home quarantine at nagpapagaling.
Nagtatag na rin ng Task Force ang lungsod na pinamumunuan din ni Belmonte sa bisa ng Executive Order 14 series 2024 upang mapatatag at mas maging episyente ang pagtugon sa kaso ng mpox. (PAUL JOHN REYES)
Other News
  • Panawagan ni PDU30 sa publiko: Huwag iboto ang Makabayan party-list groups

    NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko na huwag iboto ang Makabayan party-list groups na ayon sa kanya ay  “legal fronts” ng Communist Party of the Philippines (CPP).     Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, kinilala ng Pangulo ang mga party-list groups bilang Kabataan, Anakpawis, Bayan Muna, ACT Teachers at […]

  • Ika-27 ASEAN Labor Minister’s Meeting, gaganapin sa bansa

    MAGIGING  punong-abala ang Pilipinas sa gaganaping ika-27 ASEAN Labor Ministers’ Meeting (ALMM) at iba pang pagpupulong na may kinalaman dito, sa Maynila ngayong linggo, pahayag ni Labor Secretary Bienvenido E. Laguesma nitong Linggo.     Inaasahang dadalo sa mga pagpupulong mula Oktubre 25 hanggang 29 ang mga labor minister at mga senior labor official mula […]

  • PDu30, susunod sa Senate protocols sa pagpapalabas ng SALN kapag nahalal na senador

    SUSUNOD si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa protocols ng Senado sa pagpapalabas ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga miyembro nito kapag nahalal na senador sa 2022 national at local elections.   “I am not familiar with the protocols in the Senate. But whatever it is, I am sure the President […]