• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“Pagsusulong sa sustainable creative economies, isang hamon sa ating panahon” – Fernando

LUNGSOD NG MALOLOS- “Investing in local culture such as music, dance, theatre, literature, including traditional knowledge and skills, can develop creative economies, open up opportunities, and help strengthen identity and community. Ito po ay isang prayoridad sa hamon ng ating panahon.”

 

 

 

Ito ang mensahe ni Gobernador Daniel R. Fernando sa ginanap na Grand Opening ng Singkaban Festival sa taong ito na may temang “Pagyakap sa Kasaysayan, Pagsulong sa Kinabukasan” sa harapan ng gusali ng Kapitolyo sa lungsod na ito kahapon.

 

Nangako ang gobernador na mas palalawigin pa ang pagtataguyod ng pamanang kultura at pagkakaisa ng mga kabataan.

 

“Patuloy tayong magsisikap na palawigin ang mas masigla, maningning, at makabuluhang Singkaban. Ipagbubunyi natin ngayon, at sa lahat ng panahon ang pamana ng isang Bulakenyo. Ang ating sining, kasaysayan, kalinangan, at turismo,” dagdag pa niya.

 

Ayon sa Philippine Statistic Authority, umabot ang Philippine Creative Economy sa P1.72 trilyon noong 2023, na nag-ambag ng 7.1 porsiyento sa Gross Domestic Product ng bansa.

 

Samantala, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin C. Abalos, Jr., na kinatawan ng kanyang anak na si Konsehal ng Lungsod ng Mandaluyong Charisse Marie Abalos-Vargas, na kumpiyansa ang DILG sa pamumuno ni Fernando sa pagtataguyod ng lokal na sining at kultura ng lalawigan.

 

“Ang inyong pong selebrasyon ay sumasalamin sa tinatahak ninyong landas na tungo sa pag-unlad na hindi isinasantabi ang kasaysayan o tradisyon,” ani Abalos.

 

Gayundin, nagdagdag ng kulay at saya sa kapistahan ang mga kalahok sa Marching Band Competition at Parada ng Karosa sa pagpapakita nila ng kanilang pambihirang pagtatanghal at pagkamalikhain sa mga habang binabagtas ang mga kalsada ng bakuran ng Pamahalaang Panlalawigan. Iaanunsyo ang mga nagwagi sa mga kumpetisyon kasabay ng Indakan sa Kalye 2024 sa Setyembre 14.

 

Dagdag pa rito, nagpamangha sa mga Bulakenyo ang talentado at ipinagmamalaking Bulakenya, ang Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, sa kanyang nakabibighaning rendisyon ng Bulacan Tourism Jingle, “Dangal ng Lahi.” Kagila-gilalas ang kanyang pagtatanghal na nagpapakita ng kanyang talento at pagmamahal sa kanyang bayang pinagmulan.

 

Ang pagbubukas ng Singkaban Festival ang hudyat ng simula ng isang linggong pagdiriwang ng mayamang kasaysayan, sining, kultura, at turismo ng lalawigan hanggang Setyembre 15.

Other News
  • ‘The Amazing Spider-Man’ star Andrew Garfield calling Tom Holland the perfect ‘Spider-Man’

    THE Amazing Spider-Man star Andrew Garfield shares his thoughts on Spider-Man: No Way Home‘s Tom Holland, calling him the perfect star for the role.      Garfield first appeared as the Marvel webslinger in Sony’s rebooted franchise after the Tobey Maguire-led series fell apart during development on a fourth film. The Social Network star would only carry the role through […]

  • Medical insurance rule para sa mga college students sa face-to-face classes tinanggal na ng IATF

    INALIS  ng COVID-19 task force ng bansa ang medical insurance requirement para sa mga estudyanteng pumapasok sa limited face-to-face classes.   Pinayagan ng gobyerno sa unang bahagi ng taong ito ang mga kolehiyo at unibersidad sa ilalim ng COVID-19 Alert Level 1 na magsagawa ng face-to-face classes sa buong kapasidad, ngunit ang mga pumapasok sa […]

  • ‘GOTG 3’ Director James Gunn Reveals About the ‘High Evolutionary’ and His Visit To Earth

    JAMES Gunn, director of Guardians of the Galaxy Vol. 3, has revealed more information about the High Evolutionary and his visit to Earth.     For the original Guardians of the Galaxy team’s final MCU adventure, James Gunn introduced Chukwudi Iwuji as the High Evolutionary, a sadistic villain who was revealed to have created Bradley […]